Heart nagpakatotoo: Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami | Bandera

Heart nagpakatotoo: Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami

Ervin Santiago |May 17,2022
facebook
share this

Heart nagpakatotoo: Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami

Ervin Santiago - May 17, 2022 - 02:12 PM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

GAME na game na inamin ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang mga naging karanasan niya sa “ONS” o one-night stand.

Pero may paliwanag agad tungkol dito ang misis ni Chiz Escudero, na magbabalik nga sa Senado matapos makapasok sa Magic 12 ng mga senador na tumakbo nitong May 9 elections.

Tulad nga ng karamihan sa mga may-asawa na ngayon, marami ring unforgettable experience si Heart sa pakikipagrelasyon noong kabataan niya.

Napaamin ang aktres about her one-night stand experience nang mapasabak siya sa “Sagot O Lagot Challenge” sa bago niyang YouTube vlog.

Kinunan ang nasabing video nang magbakasyon siya sa Balesin Island kamakailan kung saan nakasama niya ang ilang kaibigan na bahagi rin ng kanyang glam team.

Ang nakalagay na description sa nasabing vlog ay, “What would I be without these guys? It’s always fun when I have the whole Heart squad!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“On this episode, we take a trip to beautiful Balesin, where it was all about bonding, sharing laughs, and beating deadline.”

Isa nga sa mga naitanong sa nasabing game ay kung nagkaroon na sila ng one-night stand affair.

Nagpakatotoo naman ang aktres at sinabing kino-consider niyang ONS ang nangyari sa kanila ng dati niyang dyowa. Pero hindi na niya binanggit ang identity ng guy.

“I guess it was considered a one-night stand. Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko nagiging kami,” ang walang keber na pahayag ni Heart.

Diretsahan ding inamin ni Heart na may pagkakataong pinakikialaman at binabasa niya ang mga message sa cellphone ng dati niyang mga dyowa.

Bukod dito, nag-yes din siya sa question kung nakipag-date na siya sa lalaking 10 years ang tanda sa kanya. Hirit pa niya, “Pinakasalan ko pa nga, eh.”

Ang tinutukoy siyempre ng Pinay fashion icon ay ang kanyang pinakamamahal na mister na si Chiz Escudero.

Sa comments section naman ng vlog ni Heart, karamihan sa mga subscribers niya ay nagsabing bilib sila sa pagiging bossing ng aktres sa kanyang team dahil parang mga tunay na kapamilya na raw ang turing niya sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng ibang netizens, sana raw lahat ng boss ay tulad ni Heart, yung chilax lang at parang walang ka-pressure-pressure sa trabaho. Talaga namang mapapa-sana all ka na lang.

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Hugot ni Toni Gonzaga: Stand up for what you believe is right

#MarcosNotAHero: Bianca Gonzalez nagsalita na ukol sa controversial interview ni Toni

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending