PAANO nga ba nababalanse ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang career bilang musician at ang kanyang family life?
Yan ang isa sa mga tanong na palaging ibinabato ng netizens sa OPM icon dahil bukod sa napapanatili nitong solid ang samahan ng kanyang banda ay parang napakarami rin niyang oras para sa pamilya.
In fairness, kung may isang miyembro ng banda na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin at patuloy na lumilikha ng ingay sa music industry, yan ay walang iba kundi si Chito.
Hindi siya nagpapahuli sa kasikatan ngayon ng kanyang wais na misis na si Neri Naig sa mundo ng social media dahil sa tinatamasa nitong tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.
Sa pamamagitan ng Instagram, sinagot nga ni Chito ang tanong ng isa niyang follower kung paano nga ba niya hinahati ang kanyang panahon para sa career at sa pamilya nila ni Neri.
Aniya sa caption ng ibinahagi niyang litrato sa IG na kuha sa loob ng eroplano (patungong sa Boracay), “Bakasyon muna bago magtrabaho.
“May nagtanong recently sa isa sa mga posts ko kung paano ko daw naba-balance ang work at ang family time…kasi parang ang dami ko daw free time.
“Ang sagot, namuhunan na ako ng trabaho mula nu’ng bata ako,” pahayag ng award-winning singer-songwriter.
Dagdag pa niyang pahayag, “I’ve been working hard and earning for myself since I was 17.
“Sinabay ko with school ang pagbabanda and sacrificed a lot of things para makapag-ipon at makapag-invest ng maayos.
“Instead of buying an expensive car, I got myself a cheap and reliable Jazz. Instead of buying a huge house, I got a small one. I didn’t feel the need to impress anyone, anyway,” lahad pa ng mister ni Neri.
Alam din daw niya na may hangganan din ang pagiging musician, “Yung mindset ko kasi, hindi forever ang pagbabanda…so I constantly prepared for retirement, and focused on finding different ways to earn.
“And establishing different sources ng income para di ako mawalan ng pagkakakitaan once mawala ang Parokya.
“Hanggang ngayon, may Parokya pa rin, along with everything that I invested in, and sacrificed for, and consequently, my different sources of income.
“Yun yung sagot dun: magsipag, at mamuhunan ka nang todo-trabaho hangga’t bata ka, para makapag-semi retire ka nang maaga, at pa-relax relax ka nalang once magka-pamilya ka,” mensahe pa ni Chito.
https://bandera.inquirer.net/297165/chito-may-pa-tribute-para-sa-28-years-ng-parokya-ni-edgar-kahit-wala-pa-kaming-kinikita-sobrang-saya-talaga-namin
https://bandera.inquirer.net/308597/chito-inatake-ng-matinding-kaba-sa-dubai-concert-may-instances-pa-na-muntik-na-akong-mahimatay
https://bandera.inquirer.net/286332/chito-napa-throwback-sa-pagsisimula-ng-parokya-ni-edgar-asar-talo-kina-neri-at-angel