Rayver kay Julie Anne: Mahal kita...maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako | Bandera

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Reggee Bonoan |May 17,2022
facebook
share this

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Reggee Bonoan - May 17, 2022 - 12:09 PM

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

KAARAWAN ngayong araw, Mayo 17, ni Julie Anne San Jose at nagkaroon siya ng intimate birthday salubong kagabi, Mayo 16.

Pawang mga kapwa niya Sparkle artists ang dumalo sa kanyang selebrasyon tulad nina Gabbi Garcia with boyfriend Khalil Ramos, Barbie Forteza with Jak Roberto, Ken Chan, magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi with Kyline Alcantara at Rita Daniella.

Naroon din ang mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina-Ilustre at ang ka-loveteam at sinasabing inspirasyon at nagpapasaya sa birthday celebrator na si Rayver Cruz.

Nakita namin ang mga Kapuso stars na nabanggit na dumalo sa kaarawan ni Julie Anne sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center kagabi.

Bagama’t matagal nang tinutukso-tukso sina Rayver at Julie Anne ay tila nagkaroon na ng linaw kung ano ang tunay na estado ng relasyon ng JulieVer dahil sa sinabing “mahal kita” ng aktor nang hingan siya ng mensahe para sa birthday girl.

Bungad ng singer-actor at TV host ay ang dalaga raw ang close na close sa kanya kaya nagkatawanan ang lahat.

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat tulad nga ng sabi ng lahat na blessings ka sa lahat ng tao, blessing ka for me, you inspire everyone especially me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)


“Gusto kong magpasalamat sa family mo kasi (sabay kaway sa pamilya ni Julie Anne) kasi nakakabisita ako sa inyo.

“Happy, happy birthday Juls, ang gusto kong sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal (hiyawan ang lahat ng tao sa venue).

“Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” nakangiting sabi ni Rayver sabay yakap kay Julie Anne na tinatapik naman nito ang balikat ng binata.

Sabi ng mga nakakausap namin ay magkaibigan pa lang daw talaga ang dalawa at nagpapakilig lang sila pero parang hindi na dahil totohanan na ang kilig nila sa isa’t isa.

Makikita rin naman sa kani-kanilang Instagram posts ng mga jamming nila sa isa’t isa, tinginan nila ng malalagkit kaya kailangan pa bang i-memorize ‘yun.

Para sa amin, hindi na kailangang umamin pa nina Rayver at Julie Anne sa tunay na estado ng kanilang relasyon dahil may kasabihang “action speaks louder than words.”

Ang maganda ay walang tutol sa relasyon nila dahil buong universe yata ay gusto silang magkatuluyan at dahil 28 years old lang si Julie Anne na hindi pa handa sa seryosohang relasyon at commitment kaya siguro nasambit ni Rayver na “maghihintay siya kung kailan ready” na ang dalaga.

Well, kami rin maghihintay kung kailan ready na rin nilang aminin na officially sila na.
Happy birthtday Juls!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending