Bakit iniwan ni Beauty Gonzalez si Arnold Vegafria bilang talent manager...anyare? | Bandera

Bakit iniwan ni Beauty Gonzalez si Arnold Vegafria bilang talent manager…anyare?

Reggee Bonoan |May 16,2022
facebook
share this

Bakit iniwan ni Beauty Gonzalez si Arnold Vegafria bilang talent manager…anyare?

Reggee Bonoan - May 16, 2022 - 05:54 PM

Beauty Gonzalez

WALA na pala si Beauty Gonzalez sa manager niyang si Arnold L. Vegafria na kumandidatong mayor sa bayan ng Olongapo City pero hindi pinalad na manalo sa nakaraang Halalan 2022.

Nakita kasi namin ang post ni Tita Becky Aguila ng larawan ni Beauty at may caption na, “Welcome to the family…Beauty Gonzalez. Beautiful inside and out.”

Natapos kaya ni Beauty ang kontrata niya sa ALV Management?  Sa pagkakaalam kasi namin ay long term ang mga kontrata ni Arnold sa mga talent niya, kung tama ang pagkakatanda namin noong huli namin siyang makausap sa contract signing ni Sylvia Sanchez sa Annabels Restaurant (December, 2019).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)


Anyway, tinanong namin si Tita Becky kung anong reason at bakit wala na si Beauty kay ALV at ang kaswal na sagot sa amin, “Better ask ALV.”

Gayun din ang sagot ng anak niyang si Katrina Aguila, “Better ask ALV na lang po.”

Tinanong naman namin ang right hand ni Arnold na si Tinnie Esguerra, “I think, it’s better to ask her (Beauty).”

Hayan, walang gustong magsalita kung bakit nagpalit ng talent management si Beauty Gonzalez.

Tanda namin ay alagang-alaga ni Arnold si Beauty noong walang offer ang aktres sa ABS-CBN kaya may balitang lilipat na siya sa GMA 7 hanggang sa mag-counter offer nga ang Kapamilya network at ito nga ‘yung “Kadenang Ginto” na umabot ng dalawang taon.

At dahil nawalan ng prangkisa bukod pa sa nagkapandemya ay tuluyan nang iniwan ni Beauty ang ABS-CBN at nag-stay na sa Kapuso network.

Si Arnold din ang namagitan kaya siya napalipat sa GMA para magkaroon ng work kahit pandemya.
Anyway, sa unang pagkakataon ay gaganap na kontrabida si Beauty sa bago nitong teleserye sa GMA 7 na may titulong “The Fake Life” kasama sina Sid Lucero at Ariel Rivera mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Beauty Gonzalez kung bakit siya nagpalit ng manager.

Beauty nakaligtas sa hagupit ng bagyong Odette, pinigilan ng ina na magpunta sa Siargao

Manny Pacquiao may isyu sa pera; hindi pa bayad sa mga dating kasamahan pati kay Snow Badua

Arnold Clavio sa paggamit ni Manny Villar sa ABS-CBN frequency: Anong tawag sa viewers nila… Ka-Mella?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending