Iwa Moto sa pagkatalo ni Ping Lacson: You’re still our champion, you are our hero…it’s not your loss

Iwa Moto, Ping Lacson, Pampi Lacson, Mimi at Caleb Jiro Lacson

“WE all know that you are the best candidate for the job. But we will respect the decision of everyone.”

Iyan ang bahagi ng mensahe ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto sa pagkatalo ni Sen. Ping Lacson sa naganap na presidential elections.

Base sa huling unofficial-partial results ng botohan, nasa ikalimang puwesto pa rin si Sen. Ping sa nangyaring presidential race with more than 882,000 votes.

Sa pamamagitan ng Instagram, muling ipinadama ni Iwa sa senador ang kanyang pagrespeto at pagmamahal kahit na nga hindi ito pinalad na maging bagong pangulo ng Pilipinas.

Si Iwa ay partner ng anak ni Ping na si Pampi Lacson at biniyayaan nga ng dalawang anak, sina Mimi at Caleb Jiro.

Nag-post ang aktres sa IG ng litrato nila ni Ping kasama si Pampi at ang dalawa niyang anak, aniya sa caption, “To our dearest papa ping.. we love you!! You are still our champion  you are our HERO.

“We all know that you are the best candidate for the job. But we will respect the decision of everyone,” dugtong pa niya.


Sey ni Iwa, saludo siya sa katapangan, dedikasyon at katatagan ng senador sa pakikipaglaban niya sa presidential race, idagdag pa raw diyan ang tunay na pagmamahal niya sa Pilipinas.

“Atlis po daddy lumaban tayo hanggang huli. You are the best president the Philippines will never have.

“Your family is excited to spend more time with you dad. You have been serving the country with all your heart. Time to rest and enjoy life,” papuri pa ni Iwa kay Ping.

Dagdag pa ng misis ni Pampi, “Basta para sakin dad. It’s not your loss. Kasi maganda naman talaga intention mo. @iampinglacson.”

Noong May 6, proud na proud ding nag-join si Iwa sa miting de avance nina Sen. Ping sa Cavite. Sa IG din niya idinaan ang message niya para sa lolo ng kanyang mga anak.

“@iampinglacosn we are always here for you dad. We are proud of you,” pahayag ni Iwa.
Noong May 19, isang araw pagkatapos ng eleksyon, nag-concede na ang senador at sa kanyang Twitter account, nagpaalam na nga ang public official sa sambayanang Filipino.

“I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change. Enjoying peace and quiet in these challenging times will probably be my life’s greatest reward,” sabi ng senador.

https://bandera.inquirer.net/312565/jodi-sta-maria-hindi-ito-ang-panahon-para-manahimik-lang-kailangang-manindigan-na-tayo

https://bandera.inquirer.net/294945/iwa-moto-sa-mga-nagbabangayan-ukol-sa-politika-respect-one-another

https://bandera.inquirer.net/312291/iwa-moto-tinawag-na-pakialamerang-palaka-ng-netizen-bet-na-mag-debate-sina-leni-at-ping

 

Read more...