INISA-ISA ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang mga karamdaman sa latest Instagram post niya ngayong umaga.
Kinumpirma ng TV host-actress na malala na ang kanyang health condition base na rin sa huling resulta ng mga isinagawa sa kanyang medical test.
Base sa mensahe ni Kris, worried ang kanyang mga doktor dito sa Pilipinas pati na rin ang mga medical experts sa US sa posibleng organ damage sa kanyang puso at baga.
Simulang pahayag ng mommy nina Joshua at Bimby, “Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.
“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana nang tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH,” ani Tetay.
Pagpapatuloy ng premyadong TV host, “Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the States – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”
Ayon sa isang health website, “Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA) is an extremely rare form of vasculitis, characterized by inflammation within small blood vessels.
“This inflammation results in blood flow restriction, which can cause organ damage throughout the body if left untreated. EGPA is a serious, but treatable disease.”
Pag-amin ni Kris, “My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City), they are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest.
“Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids,” lahad pa niya.
Kasunod nito, nakiusap din ang aktres na sana’y huwag nang magkomento ng negatibo at masasakit na salita ang mga netizens na makakabasa sa kanyang bagong IG post.
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.
“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” mensahe pa ng award-winning TV host.
https://bandera.inquirer.net/308002/kris-sa-sobrang-kapayatan-parang-nabugbog-nang-bongga-yung-feeling
https://bandera.inquirer.net/307282/kris-tuloy-na-ang-pangingibang-bansa-para-magpagamot-nag-sorry-kay-joel-villanueva
https://bandera.inquirer.net/302998/kris-aquino-may-medical-emergency-pupunta-sa-amerika-para-magpagamot