NANGAKO ang TV host-actress na si Angel Locsin na susuportahan niya ang administrasyon nina Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Sara Duterte.
Kahit lantaran ang naging pag-endorso ni Angel kay Vice President Leni Robredo na naging mahigpit na kalaban ni BBM sa nakaraang eleksyon, na siyang nakatakdang pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte, nag-promise naman siya na bibigyan niya ng chance ang bagong pamahalaan.
Ito ang siniguro ng asawa ng film producer na si Neil Arce sa kanyang Instagram post patungkol sa naganap na May 9 national elections.
Isang certified Kakampink si Angel na talagang personal pang dumalo sa pa-thanksgiving rally ni VP Leni na ginanap sa Ateneo De Manila University last Friday, May 13.
At kasunod nga nito, ibinahagi niya sa kanyang mga fans and social media followers na umaasa siyang mapatutunayan nina Bongbong at Sara na karapat-dapat silang mamuno sa bansa, pati na ng mga nanalong senador kesa sa mga sinuportahan niyang kandidato.
Mensahe ni Angel sa kanyang IG followers, “For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators.
“I’m hoping they’ll do better than our past leaders (praying hands emoji). I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong.
“Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” ani Angel.
Nagbigay din ng message si Angel para sa lahat ng mga kapwa Kakampink na hanggang ngayon ay inaatake pa rin ng depresyon at anxiety dahil sa pagkatalo ng partido ni VP Leni.
“I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang ‘radikal na pagmamahal’ Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganu’n,” sabi ng Kapamilya actress.
“Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo.
“Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo.
“Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan,” lahad pa ni Angel at itinuturing na real life Darna.
Ito naman ang mensahe ni Angel kay Vice President Leni Robredo, “Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed.
“Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya.
“Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa,” sey pa ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/312397/sharon-binalikan-ang-naging-relasyon-sa-pamilya-marcos-si-bbm-hindi-ko-siya-iniwan-he-was-my-friend
https://bandera.inquirer.net/308625/alamna-julia-hinalikan-sa-lips-si-coco-sa-harap-ng-cast-at-crew-ng-ang-probinsyano
https://bandera.inquirer.net/294723/duterte-pabigat-sa-kandidatura-ni-mayor-sara