KD Estrada, 5 Flex campaigners kanya-kanyang depensa sa isyu ng ‘modern masculinity’

KD Estrada, Anthony Barion, Wize Estabillo, Andrei King, Laziz Mustamov at Aleck Inigo

MAY kanya-kanyang paniniwala ang mga kabataang lalaki ngayon patungkol sa tinatawag na “modern masculinity”.

Sa digital presscon ng ABS-CBN para sa Star Magic digital video magazine na Flex kasama si KD Estrada bilang first cover boy, nagbigay ng kani-kanilang paliwanag ang young actor at ang mga napiling Flex campaigners tungkol sa nasabing issue.

Isa sa mga objective ng Flex ay tapusin na ang “toxic masculinity by promoting a new idea called modern masculinity.”

Pahayag ni KD, “I don’t think it’s hard to be a guy right now but I would say it’s easy to make a lot of mistakes.”


Sagot naman ni Aleck Iñigo, “Hindi lang siya about ‘yung body physique natin, it’s all about the mindset, the right attitude.

“Hindi naman porket sinabing masculine ka is kailangan tough and strong ka all the time. It should be ‘yung biggest flex talaga is ‘yung pagiging marespeto mo and gentleman sa mga tao.

“Hindi na kasi uso ‘yung mga dadaanin mo sa brusko, dadaanin mo sa angas, iba na ngayon eh. ‘Yung mga girls nga, ‘yung ibang tao gusto na nila ‘yung mga lalaking malalambing, ‘yung mga lalaking soft kasi doon makikita ‘yung true emotions ng lalaki,” dagdag pa niya.

Ito naman ang paniniwala ni Wize Estabillo, “Of course, we all have our own rights pero sabi ko nga hindi pa rin nawawala ‘yung pagiging gentleman.”

Para kay Andrei King, “Dapat talaga ay mahalin mo ‘yung sarili mo dahil ‘pag minahal mo ‘yung sarili mo maiisip mo at magagawa mo ‘yung mga gusto mong magawa katulad ko dahil before na-bully ako and ginagawa ko is ‘yung mga dating pangarap ko lang, ‘yung mga dating ‘di ko akalaing makukuha ko, makakamtan ko.”

“Best talaga is to love yourself and give love sa lahat ng taong makakasalamuha mo kahit sino pa siya, kahit ano pang estado sa buhay dapat pagmamahal lang ibibigay at pag-unawa sa lahat ng taong naka-surround sa ’yo,” aniya pa.

Pagbabahagi ni Laziz Rustamov, “As long as your intentions are pure and you’re doing something productive and making people smile, I think it’s good.”

Naniniwala naman si Anthony Barion na hindi kahinaan ang pagiging emosyonal, “They say a real gentleman knows how to cry kasi we need to hone in our skills.

“For a long time, men have always been told you’re not allowed to cry, men don’t do that but I think being in tune with our emotions as men is… I think women find sexier, someone who can control their emotions, someone who’s confident about showing their emotions that’s what women find sexy nowaday,” dugtong ni Anthony.

https://bandera.inquirer.net/284815/sylvia-sanchez-golden-girl-na-ive-been-waiting-to-turn-50-so-i-could

https://bandera.inquirer.net/303992/4-na-kapuso-host-kanya-kanyang-hirit-ng-kanilang-kuwentong-frogs-habang-naka-quarantine

https://bandera.inquirer.net/307331/warning-ni-robi-sa-botante-piliin-ang-sigurado-may-malinis-na-track-record-laging-nandiyan-at-hindi-nagtatago

Read more...