Angeli Khang pamamanahan lang ng Koreanong ama kapag 50 years old na: Kailangang matikman daw muna namin lahat ng hirap | Bandera

Angeli Khang pamamanahan lang ng Koreanong ama kapag 50 years old na: Kailangang matikman daw muna namin lahat ng hirap

Reggee Bonoan |May 15,2022
facebook
share this

Angeli Khang pamamanahan lang ng Koreanong ama kapag 50 years old na: Kailangang matikman daw muna namin lahat ng hirap

Reggee Bonoan - May 15, 2022 - 06:35 PM

Angeli Khang

KASALUKUYANG nasa Saipan, Northern Mariana Islands ang Korean father ng Viva artist na si Angeli Khang at nagpapatakbo ng construction business sa mahabang panahon — at isa itong milyonaryo.

Sa kasalukuyan ay hindi puwedeng umuwi ng Pilipinas ang tatay ng sexy star na bida ng pelikulang “Pusoy” dahil sinampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9262, Anti Violence Against Women and their Children.

Kasama ni Angeli ang kuya at nanay niya ngayon dito sa Pilipinas.  Hiwalay na ang kanyang mga magulang physically pero hindi pa nagpa-file ng divorce.

Base sa panayam ng ilang taga-media kay Angeli pagkatapos ng presscon ng “Pusoy” ay inamin niyang grabe ang pinagdaanan nilang magkapatid sa tatay nila kung paano sila pinalaki.

“I don’t wanna say bad things about my dad but nu’ng growing up he had different perspective ng pagtuturo sa amin ng mga anak niya, he’s a war freak and also an abusive dad and abusive husband to my mom.

“Nu’ng ipinanganak ang dad ko time ng World War 2 at taga-North Korea talaga sila at tumakas sila papuntang South Korea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


“Growing up daw hindi alam ng grandmother ko kung saan nakuha ng dad ko ‘yung attitude niya na war freak na pag may hindi nagustuhan hit agad,” pagtatapat ng dalaga.

Fast forward: napadpad ng Saipan ang ama at doon na nagkakilala ang magulang ni Angeli na hindi naman binanggit ng dalaga kung ano ang naging trabaho ng ina.

Hindi naging maganda ang childhood experience ni Angeli kasama ang kuya niya sa mga kamay ng amang magaan ang kamay dahil kapag may hindi ito nasunod sa gustong mangyari sa mga anak ay sinasaktan at minumura niya ang mga ito.

Idinetalye ng dalaga ang mga pananakit ng ama na talagang duguan siya kapag tinutuktukan siya ng bread knife sa ulo at pasa-pasa naman kapag hini-hit siya ng chopstick sa batok.

Pinag-aral si Angeli ng martial arts, taekwondo, pinasali sa marathon at lahat ay nag-excel ang dalaga dahil sa takot sa ama.

At dahil hindi mailabas ang galit sa dibdib ay nasubukan ng isa sa goldmine ng Vivamax na laslasin ang kaliwang braso at kapag dumugo na ay saka siya hihinto.

Nae-enjoy daw niya kapag nakakakita siya ng maraming dugo at kung paano mamatay ang isang tao.

Nang ipa-check siya sa psychiatrist ay naging okay na siya at ayaw na niyang makakita ng maraming dugo. Ang peklat na nagpapaalala ng nakaraan ni Angeli sa sama ay tinakpan niya ng tattoo.

Mag-aapat na taon na silang hindi nagkikitang mag-ama pero ramdam pa rin ng dalaga ang takot dahil nagme-message pa rin na bumalik na siya ng Saipan at pag-aaralin siya kahit saang eskuwelahan tulad ng Harvard University o Yale.

“Sabi niya kahit saan ko gustong mag-aral papaaralin niya ako basta pagkatapos noon pumasok ako sa US military service dahil maraming benefits,” kuwento ni Angeli.

Pero wala na siyang planong bumalik ng Saipan at dito na niya gustong mag-aral ng pagka-doktor o abogasya pero sa ngayon ay inuna muna niya ang showbiz career niya.

“After ko gumradweyt ng high school kinausap ako ni Tito Jojo (Veloso) na once in a lifetime lang itong showbiz kaya pag-isipan ko raw mabuti. Kaya ngayong nandito ako sa showbiz thankful ako kay tito Jojo,” tsika ni Angeli.

Mag-iipon at pagbubutihin ng sexy star ang kanyang showbiz career dahil sa kasalukuyan ay siya ang bread winner ng pamilya dahil hindi naman sila pinadadalhan ng ama.

Tinanong namin kung ano ang plano ng milyonaryo niyang ama sa pera nito gayung solo naman siyang naninirahan sa Saipan at walang ibang pamilya.

“Pag 50 years old na raw kami saka niya ipapamana. Kailangan daw muna naming matikman lahat ang hirap,” kuwento ni Angeli.

Gets namin ang pangarap ng tatay ng dalaga na kaya siya ganu’n kahigpit sa mga anak ay para magkaroon ng magandang buhay kaya niya pinagpupursige ang dalawang anak para hindi maranasan ang buhay na nakagisnan niya noong nasa North Korea siya.

At dahil sa naranasang hirap noong kabataan ay dala-dala ito ng ama nina Angeli kaya sobrang higpit niya pinalaki ang mga anak na humantong sa pananakit.

Sabi naman ng dalaga wala na siyang galit sa tatay niya pero kailangan nitong harapin ang kasong isinampa nila.

Sa kasalukuyan ay si Angeli ang pinaka-precious gem ng Viva Artist Agency na binanggit ni Boss Vincent del Rosario sa nakaraang Vivamax Summer Campaign mediacon dahil ang pelikula nitong “Silip sa Apoy” kasama sina Jela Cuenca at Sid Lucero na idinirek ni Mac Alejandre ang may pinakamataas na views sa Vivamax.

At sa pelikulang “Pusoy” ay hoping si Angeli na maging successful din ito at kasama niya sina Vince Rillon, Jela Cuenca, Janelle Tee at Baron Geisler mula sa direksyon ni Philip Giordano produced by Brillante Mendoza at mapapanood sa Vivamax sa May 27.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald

Angeli Khang tumodo sa mga sex scene sa ‘Mahjong Nights’: Naliligo pa lang, hubo’t hubad na ‘ko!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending