Bb. Pilipinas candidates rumampa sa pagbabalik ng Santacruzan sa Araneta; Herlene Budol agaw-eksena sa P150k gown

Herlene Budol at Lara Quigaman

BONGGA ang pagsisimula ng mga activities ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para sa kanilang national pageant this year.

Nitong nagdaang Sabado, ibinalik nila ang mga traditional events ng Pilipinas, una na nga riyan ang Grand Santacruzan na ginanap sa Araneta, Cubao, Quezon City.

Dito nga bumida ang 40 Binibining Pilipinas 2022 candidates kasama si Miss International 2005 at celebrity mommy Lara Quigaman.

Isa sa mga agaw-eksena sa naganap na Flores de Mayo ay si Binibining Pilipinas candidate No. 8 Herlene Budol.

Ayon sa Kapuso TV host-comedienne ang suot niyang gown ay mula sa disenyon ni Geronie Labora ng Zamboanga City, at nagkakahalaga raw ng humigit-kumulang P150,000.


Kamakailan, tatlong kandidata ang hindi na tumuloy sa laban — sila ay sina Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, at Iman Franchesca Cristal.

Ang pumalit sa kanila ay sina Patricia Ann Tan, Joanna Marie Rabe, at Ma. Isabela David.

“We thank them for their time and wish them well in their future plans,” ayon sa official statement ng BPCI tungkol sa withdrawal ng mga nabanggit na candidates.

With the theme #BinibiniSisterhood, maglalaban-laban ang 40 candidates para sa iba’t ibang titulo na siyang magre-represent sa iba’t ibang international pageants.

Ang mga tatanghaling winners sa Binibining Pilipinas 2022 ay lalaban sa Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental, at Miss Grand International pageants.

Wala pang ibang detalyeng inilalabas ang pageant organizers tungkol sa gaganaping coronation night, tulad ng date at venue.

https://bandera.inquirer.net/286091/bb-pilipinas-tuloy-na-tuloy-na-live-man-o-virtual

https://bandera.inquirer.net/302905/alodia-gosiengfiao-may-pak-na-pak-na-hugot-sa-lovelife-hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo

https://bandera.inquirer.net/308002/kris-sa-sobrang-kapayatan-parang-nabugbog-nang-bongga-yung-feeling

Read more...