Neri Miranda super enjoy sa Boracay family vacay; balak daw magtayo ng negosyo sa isla

Neri Miranda, Chito Miranda and family

BONGGA talaga itong si Neri Miranda, no! E, kasi naman, nagbakasyon lang sila sa Boracay ng kanyang pamilya ay nagpaplano na agad magtayo ng negosyo sa isla?

Talagang mapapa-hashtag sana all ka na lang talaga sa #BusinessGoals ng aktres pati na ng kanyang pinakamamahal na asawang si Chito Miranda.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Neri ng ilang litrato na kuha sa vacation trip nila ni Chito sa Boracay kasama ang kanilang mga anak. Aniya, mahigit pitong taon din silang hindi nakabisita sa nasabing isla.

“Hello Boracay! After 7 years nakabalik ulit dito!


“Sa lahat ng gustong mag-Boracay esp with kids, print everything para hassle free. IDs, vax card, QR code, boarding pass (print dapat individually, di tatanggapin kapag group),” ang caption ni Neri sa kanyang unang IG post.

Pagpapatuloy niyang kuwento, “Kapag di pa vaccinated ang mga bata, kindly ask your hotel to give you pdf template ng certificate of undertaking. If may baby, print birth certificate.

“Mas hassle free kapag mag-book na rin ng susundo sa inyo from airport.

“Sa @altavistadeboracay kami mag-stay at super alaga kami. From airport, then may health declaration na mahaba ang pila kanina kaya you need to print everything para isa lang sa inyo ang pipila at makapapwesto pamilya mo somewhere mahangin, marami talaga tao kanina.

“Assisted din kami pa-boat going to Boracay. Tapos waiting na yung van namin going to our hotel. Super maalaga ang staff ng Alta Vista Boracay. Baka matripan nyo mag-Boracay, dito na kayo kase hassle free.

“Saan masarap mag-food trip ngayon sa Boracay?” ang mensahe pa ng misis ni Chito.

Sa isa naman niyang Instagram photo makikita ang bonding moments ng kanyang pamilya kaya sey ni Neri mukhahg magiging madalas daw ang pagpunta nila sa Bora.

“Yung nag eenjoy ang mga bata sa dagat kahit mainit. sobrang amazed sila sa white sand at super pino na buhangin. Sobrang clear ng water.

“Baka mapadalas ang request nila sa Boracay, naku po! Kailangan nang maghanda, hehe!

“Teka, may alam ba kayong commercial space for rent? Pang resto sana. Sa mismong beach po. Mukhang magandang maglagay din ng business dito ah.

“Kung may hotel po kayo na nagpaparent ng resto, tara! O kahit dati nang resto, puntahan namin ngayon. Habang andito na po kami ng mga partners po namin.

“Direct message nyo lang po ako. Boracaaaaaaay! Hello! Baka naman pwede kami dito? Hihi!” ang buong caption ng aktres sa kanyang Instagram photos.

https://bandera.inquirer.net/311143/angel-inokray-okray-ng-netizen-dahil-sa-pagpunta-sa-bora-tinira-pati-ang-pagiging-darna

https://bandera.inquirer.net/306341/miriam-umamin-sa-tunay-na-dahilan-kung-bakit-nagdesisyong-tumira-sa-bora-kasama-ang-pamilya

https://bandera.inquirer.net/302060/maxene-hindi-masyadong-ok-noong-holiday-season-i-thought-why-not-cry-in-boracay

Read more...