Kaladkaren emosyonal nang ipakita kay Karen Davila ang bagong bahay: Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko ito makukuha

Kaladkaren at Karen Davila

HINDI napigilan ng Kapamilya TV host at celebrity impersonator na si Kaladkaren na maluha habang itinu-tour sa bago niyang bahay ang news anchor na si Karen Davila.

Napakalaki raw ng utang na loob niya sa veteran broadcast journalist dahil talagang sinuportahan at tinulungan siya nito para mas lalong makilala bilang si Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay.

In fairness, talagang isa si Karen sa mga naniwala sa kakayahan at talento kanyang impersonator noong nagsisimula pa lamang itong gumawa ng pangalan sa mundo ng telebisyon.

Sa bagong YouTube vlog ng news anchor, sinabi ni Kaladkaren na ang panggagaya niya kay Karen ang nagbigay sa kanya ng napakaraming oportunidad kaya utang din niya rito ang pagkakaroon ng bagong bahay.

“I’m very happy where I am at the moment. I’m also very thankful sa inyo rin po.

“Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko makukuha ‘yung mga pangarap ko sa buhay. Kasi pwede mo naman akong i-shutdown when I was starting but you supported me,” pahayag ni Kaladkaren.

Aniya pa, “Kung hindi naman dahil sa support mo at sa mga taong tumulong sa akin along the way hindi ko makukuha ’tong kung anong meron ako ngayon.”

Chika pa niya kay Karen, nang dahil sa dami ng natatanggap niyang blessings mula kay Lord ay napakarami rin niyayang natutulungan kahit sa maliliit na paraan lang.

“Kung meron man akong isang natutunan, give and you will receive. Let’s be helpful and let’s always be grateful to all the things that we receive in life kasi one day hindi mo alam ikaw din ‘yung mangangailangan,” lahad ng TV host at komedyana.


Sabi pa nga ni Kaladkaren kay Karen habang nililibot ang iba’t ibang bahagi ng kanyang bahay, ang broadcast journalist ang unang bisita niyang celebrity.

“Ang saya, tsaka ikaw pa ‘yung una kong bisita, nauna ka pa sa nanay ko,” natawang sey ni Kaladkaren.

Matagal na raw pangarap ni Kaladkaren na magkaroon ng sariling bahay kaya talagang nag-save siya nang bonggang-bongga para rito.

“Simula po nu’ng bata kami, nakikitira kami sa lola namin. We didn’t have our own house.

“Both my parents were OFWs, so kami, pinaalaga kami roon sa lolo’t lola ko why they were abroad. Never kaming nagkaroon ng sariling bahay until nung high school ako.

“So, lumipat kami sa Bulacan, my parents lived there ta’s sabi ko sa sarili ko na once na makapagtrabaho ako, makapag-ipon ako ng pera, bibili ako ng sarili kong bahay,” pagbabalik-tanaw ng komedyana.

Samantala, pinasalamatan din niya ang kaibigang si Karla Estrada na isa sa mga tumulong sa kanya para makapag-invest sa pagpapatayo ng sariling bahay.

Ito’y sa kabila nga ng pagkakaiba nila sa pinaniniwalaan at mga sinusuportahang kandidato nitong  nakaraang eleksyon.

“I believe in democracy, lahat naman tayo may karapatang bumoto ng kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat. Iba man ang presidente, iba ang presidente ko, iba naman ‘yung level of friendship natin,” mensahe ni Kaladkaren kay Karla.
https://bandera.inquirer.net/304322/kaladkaren-sinagot-ang-tanong-ng-netizen-na-may-pk-na-po-ba-kayo

https://bandera.inquirer.net/285889/karen-na-depress-napapaiyak-dahil-sa-pagkapaos-i-wanted-to-quit-i-was-so-scared-to-go-to-work

https://bandera.inquirer.net/308157/kaladkaren-pwede-nang-ituloy-ang-naunsyaming-pagpapakasal-sa-kanyang-british-fianc-sa-uk

Read more...