Vivamax sexy star Denise Esteban hirap na hirap sa rape scene nila ni Mark Anthony: Binaboy niya kasi ako sa eksena…

Denise Esteban, Mark Anthony Fernandez at Josef Elizalde

PROMISING at mukhang may naghihintay din na magandang future sa mundo ng showbiz ang baguhang Vivamax sexy star na si Denise Esteban.

Una naming napanood ang dalaga sa pelikulang “Kaliwaan” ng Viva Films at in fairness, kahit na first time niyang umarte sa harap ng camera ay nabigyan niya nang hustisya ang kanyang role.

Marami nga ang nagsasabi na pwedeng-pwede siyang makipagtalbugan sa mga reigning Vivamax sexpots tulad nina AJ Raval at Angeli Khang na pareho ring walang keber sa paghuhubo’t hubad sa pelikula.

At dahil nga sa kanyang angking ganda at kaseksihan at sa galing niyang umarte, binigyan agad siya ng Viva ng launching movie, ang “Doblado” kung saan makakasama niya sina Josef Elizalde at Mark Anthony Fernandez.

Sa nakaraang virtual mediacon ng “Doblado”, inamin ni Denise na iba’t ibang challenges ang kanyang hinarap dahil sa mabibigat at intense na mga eksena sa pelikula na idinirek ni GB Sampedro.

“Pinakamahirap yung rape scene with Mark Anthony Fernandez, Kabadung-kabado ako kasi sobrang binaboy niya ako.

“Mahirap gawin yung eksena as very sadistic yung character niya at bina-blackmail ako kasi hindi alam ng family ko sa probinsya na call girl ako dito sa Manila,” simulang kuwento ni Denise.

Aniya pa, “Sinaktan niya akong mabuti kaya pasa-pasa ako at iyak ako nang iyak nang magsumbong kay Josef.”

Kahit 19 years old pa lamang si Denise ay talagang all out na siya sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes kaya natanong kung paano siya nagre-react sa pamba-bash at pambabastos ng netizens sa social media.

“I told myself pagpasok ko rito that you cannot please everyone, so just ignore negative comments. Kapag alam kong bastos na message, I don’t open them at all. I don’t owe anyone an explanation.

“As far as I’m concerned hindi naman porn ang ginagawa namin. Alam naming we fake it lang, acting lang ang lahat.

“Madali naman manghusga. Dati, wholesome ako, wala namang pumapansin sa akin. When friends saw my first movie, ‘Kaliwaan’. maraming nagtaka kung bakit ako nagpa-sexy kasi may nude scene ako roon.

“Nasaktan ako kasi yung mga malalapit pa sa akin, sila pa ang hindi nakaintindi na I’m just doing a job as an actress,” dagdag pa ni Denise.

May pagsisisi ba siyang nararamdaman? “None, I’m so happy to be with Viva. Before, I was singing and dancing with a P-Pop group pero nawalan kami ng trabaho due to the pandemic.

“When I joined Viva, kabado ako noong una but now, nakaka-proud lang na lead ako agad dito sa ‘Doblado’. Iniisip ko na lang na na-impress ko yata sila, kaya ginawa akong bida na agad,” sey ng dalaga.

Paano naman siya nakaka-relate sa role niya sa “Doblado” bilang isang high class prostitute na si Jaira?

“Pareho kaming gagawin ang lahat para makatulong sa family namin.  I’m just happy na my family is very supportive.

“Nagulat lang sila (family) nu’ng umpisa na maghuhubad ako, but after I explained na fake lang naman lahat ng bedscenes, naintindihan naman nila.

“And like Jaira, parang may double life din ako, kasi I can also hide my real emotions, lalo na kung galit ako o naiinis, hindi ko na lang pinapakita.

“But I hope this sexy phase is just a way for me to do more serious films.  I really want to try all kinds of movies and explore all kinds of acting para ma-recognize naman ako as a good actress at hindi yung basta naghuhubad lang,” paliwanag ni Denise.

https://bandera.inquirer.net/312389/baguhang-sexy-star-na-si-denise-esteban-handang-makipagsabayan-sa-hubaran-kina-aj-raval-cindy-miranda-at-angeli-khang

https://bandera.inquirer.net/312210/gb-sampedro-sa-mga-idinidirek-na-sexy-stars-iginagalang-ko-ang-pagkatao-ng-mga-artistang-dumadaan-sa-akin

https://bandera.inquirer.net/305210/napilitan-lang-ba-si-diego-loyzaga-na-magpakita-ng-pwet-sa-sex-scene-niya-sa-the-wife

 

Read more...