Malilisyosong post ni Andrea sa socmed peke, talent manager nagbanta sa poser at nagse-share

Andrea Brillantes

NAGBANTA ang talent management ni Andrea Brillantes sa lahat ng mga nagpapakalat at nagse-share ng pekeng tweets gamit ang pangalan at litrato ng young actress.

Hot topic sa social media ang mga palaban at matatapang na pahayag ng isang Twitter user na nay handle name na “@iamandrea_b” at user name na “Andrea Brillantes.”

Mabilis na nag-viral ang mga nasabing tweet kaya naman pinutakti ng sandamakmak na bashers si Andrea dahil ang akala talaga nila ay ang dalaga mismo ang nagpo-post nito.

Dahil nga rito, naglabas na ng official statement ang Aguila Artist Management (ni Becky Aguila) nitong nagdaang Biyernes, May 13, para klaruhin ang issue at linisin ang pangalan at imahe ng dalaga.

Ni-repost nito ang mga screenshots ng umano’y tweets ni Andrea laban sa mga taong nanlalait at nang-ookray sa kanya na may kinalaman sa katatapos lang na eleksyon. Lantaran ang pagsuporta ng aktres kay Vice President Leni Robredo.

Sabi ng poser sa isang tweet, “Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong porn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga BOBO!”

May tweet din itong, “Okay lang may bold, at least di palamunin sa bahay.”

Idinamay pa nga ng nasabing poser ang presidential daughter na si Kitty Duterte, “Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences.”

“At Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magnanakaw pa!” dagdag pa nito.


Ngunit ipinagdiinan nga ng management ni Andrea na may official Twitter handle na @andrea_b, na edited ang mapanirang tweets ng nasabing poser.

Ito ang opisyal na pahayag ng management ni Andrea, “May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.

“Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

“Pinaaalalahan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa.

“Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon. Maraming salamat po.”

https://bandera.inquirer.net/298249/angel-tinawag-na-marites-ng-netizens-dahil-sa-pambubuking-ni-kris

https://bandera.inquirer.net/304878/korina-muling-nagbanta-nasaan-na-kaya-ang-walang-kaluluwang-trolls-malapit-na-kayong-mapa-nbi

https://bandera.inquirer.net/294480/mag-ingat-sa-pekeng-darren-espanto-pbb-10-celebs-dadaan-muna-sa-matinding-test-bago-pumasok-sa-bahay-ni-kuya

Read more...