BAKIT nga kaya ang unang impression ng mga taga-showbiz at ilang nakakatrabaho ng Kapuso actor na si Xian Lim ay mayabang at maangas?
Karamihan sa mga artistang nakakasama ng actor at direktor sa kanyang mga project sa unang pagkakataon ay nagsasabing mukha raw itong isnabero o masyadong seryoso sa buhay.
Kahit na nga ang katambal ni Xian na si Glaiza de Castro sa kauna-una niyang teleserye sa GMA na “False Positive” ay umaming “suplado” ang tingin niya sa aktor noong hindi pa niya ito nakikilala nang personal.
Depensa ng boyfriend ni Kim Chiu, “‘Yung perception lang kasi ng tao sa akin is when they see me iniisip agad nila, ‘naku, suplado ‘yan,’ or parang ‘tahimik lang na tao ‘yan’ which I am,” kuwento ni Xian sa Kapuso ArtisTambayan live session lasy Tuesday, May 10.
Pagtatanggol pa niya sa sarili, “Sobrang introverted lang kasi talaga akong tao and sa mga matagal nang sumusubaybay sa akin, I do give that vibe na parang suplado, serious.
“Pero when I get close, since introvert ako, once I feel safe na around that person, unti-unti nagwa-warm up.
“Kumbaga diesel, mabagal mag-warm up. Makulit talaga akong tao to the point na makukulitan talaga kayo sa akin,” sabi ng binata.
Sa totoong buhay naman daw ay medyo makulit din siya kaya naman mabilis din niyang nakagaanan ng loob ang mga co-stars niya sa “False Positive” lalo na ang komedyanyeng si Buboy Villar.
“It helps na lahat makulit. Sa buong cast, walang killjoy. Coming from mga series na ‘yun nga iyakan, si Glaiza din naman ‘yung mga mabibigat, it really helped na meron kaming icebreaker na haligi na ng industriya tulad ni Buboy,” aniya pa.
Inalala rin ng binata ang paglipat niya sa GMA last year, “It feels great noong unang apak ko pa lang. Being around the vicinity with these people, I really felt sobrang warm, ‘yun lang talaga ‘yung masasabi ko. Everyone is just really nice.”
“At first, siyempre, tinitimpla ko pa but, dito, right when False Positive started, doon, ice breaker talaga e.
“Merong nagbibigay sa amin ng script tapos lalaruin na lang talaga namin and I would say 80 percent ng mga sinasabi namin, dagdag. ‘Yung mga eksena namin nila Buboy, tinatago na lang namin ‘yung mga mukha namin ni Glaiza kasi natatawa na lang kami,” aniya pa patungkol sa kanilang primetime serye.
Sa huli inamin niyang lahat daw silang involved sa serye ay nagkaroon ng sepanx o separation anxiety pagkatapos ng kanilang lock-in shoot.
“Nakaka-miss itong False Positive family. Paulit-ulit nga naming sinasabi na, sayang, four weeks lang. It’s a mini series. We actually want more kasi ganoon nga nag-jive ‘yung cast. Bitin e, less than a month namin ‘to ginawa,” pag-amim pa ni Xian.
https://bandera.inquirer.net/312825/xian-lim-hindi-pa-handang-maging-tatay-spiritually-i-think-i-need-a-proper-mindset-for-it
https://bandera.inquirer.net/291998/xian-alam-ang-mga-hinanakit-at-sama-ng-loob-ni-kim-umaming-kinakabahan-kay-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/282505/nanay-ni-xian-todo-pasalamat-kay-kim-seeing-him-happy-is-more-than-what-a-mother-could-ask-for