TUMANGGI raw si Elmo Magalona sa mga offer na project sa kanya ng GMA 7 dahil he’s back to school. Gusto yatang mag-concentrate ni Elmo sa pag-aaral niya kaya kaliwa’t kanan raw ang ginawa nitong pagtanggi sa mga soap na inaalok sa kanya ng Kapuso station.
‘Yan ang paliwanag ng fans niya sa social media. But many are thinking that Elmo is just biding his time at gusto na rin daw nitong lumipat sa ABS-CBN.
But this early, puro panlalait na ang comments sa plano raw na paglipat ni Elmo sa Dos. “D nman nid ng kapamilya network yan noh….mdaming magagaling sa abs…. bka sa TV5 nlng xa,” tili ng isang fan.
“Indi paninira yan, totoo talaga yan..haha,at sa dinami-raming sikat na artista sa abs, magtatiyaga pa sila sa starlet na yan..ahahaha!” mataray naman na comment ng isang me galit yata kay Elmo.
Pero ito ang pinakanakakalokang comment na nabasa namin, “Wapakels kahit magbigti ka..dapat nga sumama ka na sa ama mo!”
Aray ko! Kaloka ang mga me galit kay Elmo, ha! Mukhang may pinanggagalingan ang kanilang pagkaimbyerna. Pero siguro, huwag na lang idamay si Francis Magalona sa isyung ito dahil matagal na siyang wala sa mundo.
Respeto na lang sa patay, pwede ba ‘yun?
( Photo credit to Google )