IBABANDERA ng award-winning veteran actress at dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos ang kabayanihan at iba pang inspiring stories ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs).
Si Charo ang magsisilbing host ng bagong Kapamilya talk show na “Shine on Overseas Pinoy” kung saan bibida na naman ang mga kababayan nating OFWs na itinuturing na bagong bayani ng bansa.
Dito, ibabahagi nila ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan habang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo at kung paano nila napagtagumpayan ang mga ito through financial management and financial education.
Sa ginanap na online presscon ng “Shine on Overseas Pinoy”, sinabi ni Charo na napakalapit sa puso niya ang mga kuwento ng OFWs, “Sa ‘MMK,’ (Maalaala Mo Kaya) nagbabasa ako ng liham ng ating mga Kapamilya. Inilalahad ko ang kanilang kuwento sa mga manonood.
“Dito naman sa ‘Shine On Overseas Pinoy’ binigyan ako ng pagkakataon na makipag-usap sa ating mga kababayan na nagtatrabaho in other parts of the world and also to have a chance to explore all the financial possibilities with experts in financial management,” pahayag ng veteran actress.
“There’s lot more real-time engagement dahil kausap mo sila, nararamdaman mo sila, nakikinig ka sa kanilag kuwento. Iba naman siya, ibang experience,” sabi pa ni Charo tungkol sa bago niyang project sa pakikipagtulungan ng financial services company na Sun Life Philippines.
“Since pandemic nga ang hirap ng face-to-face na pakikipag-usap… Naisipan ko lang, why doesn’t Sun Life partner with The Filipino Channel and create a show where we will have the opportunity to listen to some of the stories of our kababayans and how they learn about financial management.
“We had the chance to talk to some select OFWs at nagkuwento sila ng kanilang journey towards their financial management, and stability and insurance for a good future.
“Karamihan naman ng mga kababayan natin ay talagang naghahanap ng matinong trabaho, nag-uuwi ng suweldo at nangangarap ng mas magandang buhay para sa kanila at sa mga mahal nila sa buhay. Pero wala silang tools, eh.
“So, napakaimportante ng role na ginagampanan ng Sun Life na talagang ipinamamahagi nila ang kanilang kaalaman sa ating mga kababayan upang matuto sila, unang-una, to live within their means, No. 2, mag-ipon at paano ima-manage ang inipon mo.
“Sana itong programa ay makapagdala ng tunay na appreciation sa paghihirap at pagtitiis ng OFWs,” dire-diretsong pahayag pa ng “MMK” host.
Mapapanood na ngayong Linggo, May 14, ang 13-episode ng “Shine on Overseas Pinoy” sa The Filipino Channel cable and satellite, IPTV and iWantTFC. It will air new episodes every Saturday and Sunday.
Magiging available ito sa Asia Pacific and Europe, Middle East, at Africa regions.
https://bandera.inquirer.net/297265/marian-kering-keri-pang-magbuntis-hiniling-na-ipagdasal-ang-mga-ofwhttps://bandera.inquirer.net/309702/ai-ai-delas-alas-pormal-na-nagpakita-ng-suporta-sa-tambalang-marcos-duterte
https://bandera.inquirer.net/284546/morissette-gustung-gusto-nang-pakasalan-si-dave-lamar-bagong-version-ng-shine-viral-na