“KAILANGANG bumangon kung hindi, mapupunta lang ang lahat ng sacrifices and efforts natin sa wala.”
Yan ang paalala ng TV host-actress na si Angel Locsin sa lahat ng mga Kakampinks na hanggang ngayon ay inaatake ng matinding kalungkutan at anxiety.
Marami pa rin kasi ang nagrereklamo at kumokontra sa pangunguna ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos sa bilangan habang pumapangalawa naman si Vice President Leni Robredo.
Base sa unofficial tally of votes ng Commission on Elections, mukhang mananalo na nga si BBM bilang bagong pangulo ng Pilipinas pati na ang running mate niyang si Sara Duterte.
Isang netizen na pinaniniwalaang isa ring Kakampink ang nagtanong kay Angel kung nagdadalamhati at nagluluksa rin ba siya sa napipintong pagkatalo ni VP Leni kanilang sinuportahan last May 9 elections.
Last Wednesday, May 11, may mensaheng ipinost si Angel sa Instagram para sa kanyang asawang si Neil Arce, kalakip ang litrato nilang mag-asawa habang nasa swimming pool.
Sa comment section ng kanyang IG photo, isang supporter din ni VP Leni ang nagtanong sa kanya ng, “Umiyak ka rin ba katulad namin?”
Ito naman ang reply sa kanya ng Kapamilya star, “Malungkot but taas noo (smiling face emoji).
“Ituloy natin ang nabuong malasakit sa bayan at sa kapwa (smiling face with waving hands emoji) proud to have fought alongside you (hearts emojis),” dugtong na pahayag ni Angel.
Sabi naman ng kanyang IG follower, napakabigat pa rin sa kanyang kalooban ang pagkatalo ni VP Leni kay Bongbong base na rin daw sa resulta ng unofficial tally ng mga boto.
Dito, muli siyang pinayuhan ni Angel na huwag kalimutan ang kanilang mga ipinaglaban noong panahon ng kampanya. Aniya, napakaganda na ng kanikang nasimulan sa pagsusulong sa kandidatura ng bise presidente.
Sabi ni Angel sa kapwa Kakampink, “Naiintindihan ko. Pero kailangan bumangon kundi mapupunta lang ang lahat ng mga sacrifices and efforts natin sa wala di ba? Pag ready ka na.”
Sa huli, buong-pusong pinasalamatan ng aktres ang lahat ng supporters na nagkaisa at nagtulungan para sa laban ng kanilang presidential candidate.
Nauna rito, naglabas na rin ng kanyang saloobin si Angel noong Lunes ng gabi matapos lumabas ang paunang resulta ng botohan kung saan napakalaki nga ng lamang ni Bongbong kay VP Leni.
“Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap—para sa ating paniniwala at sa kapwa.
“Kahit parang imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan.
“Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo,” mensahe ng Kapamilya actress.
https://bandera.inquirer.net/313067/angel-sa-kakampinks-huwag-kang-manghina-dahil-ibinigay-natin-ang-lahat-itinaya-ang-pangalan-at-oras
https://bandera.inquirer.net/303420/heart-nadine-lantaran-na-kung-sino-ang-susuportahan-sa-eleksyon-2022
https://bandera.inquirer.net/308121/xian-gaza-nag-react-sa-viral-post-ni-valentine-rosales-just-a-black-propaganda