IBANG klaseng nanay din pala itong si Dimples Romana, no! May sarili rin kasi siyang style at ang asawang si Boyet Ahmee sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Napag-usapan ang tungkol sa pagiging nanay ng Kapamilya actress sa finale presscon ng drama series na “Viral Scandal” last week.
Dito, nag-share si Dimples ng ilang mga life lesson na natutunan niya sa ginampanan niyang karakter sa serye bilang nanay ni Charlie Dizon.
“Sa character ni Kakay Sicat pinalakas talaga ako nito. As in pinaalala sa akin na ang kababaihan may taglay talaga na kalakasan at hindi lang yun ha, kapag pinagsama mo pa yung pagiging ina niya, pagiging victim niya also ng mga sitwasyon na pinagdaanan niya in the past, and OFW pa siya,” simulang kuwento ng Kapamilya star.
“So, lahat ng makings of a strong character meron kay Kakay Sicat. Kumbaga pinagtibay siya ng lahat ng nangyari sa kanya. Isa yun I guess sa mga strongest suits na dinala ko and hopefully na-convey ko rin sa mga tao,” dagdag pa niya.
Paglalarawan pa niya sa kanilang hit family drama, “Yung Viral Scandal yung isa sa pinakanagdagdag ng pagkaespesyal niya para sa akin is as you all know I really make sure that all my characters, may it be called small or is it a markadong character, I always just make sure that it will be memorable.
“I think one of the pinaka important na tinalaga sa akin is that there is strength in numbers.
“Yung laban lang ng mga kababaihan dito, nakikita natin yung different perspectives ng iba’t ibang klase ng tao pagdating sa pagsugpo or at least pagharap ng isang viral scandal or any scandal for that matter. Kasi nobody really wants to be a part of a scandal naman di ba?” lahad pa ni Dimples.
Bilang isa na ring nanay sa tunay na buhay (buntis uli ngayon sa ikatlong anak nila ni Boyet), nagbahagi rin si Dimples kung paano nila pinoprotektahan ang kanilang mga anak sa mga kanegahan sa paligid lalo na sa social media.
“We don’t base our parenting on any achievements whatsoever. I have zero expectations of my children.
“That’s why they’re very expressive of themselves. They’re free to live however they want to live. That’s how I protect them from all these things. I can’t protect them 24/7.
“Callie is in Australia, Alonzo is at home right now. Pero at the end of the day, gustuhin ko man maging nandun at mother of three naman ako, we want to be with our children 24/7, we can’t do that.
“So habang bata pa lang sila, we pour them with enough love to feel secure. Kasi ang isang tao, importante na alam mong may uuwian at uuwian ka. We embrace the imperfections of our children,” dire-diretsong paliwanag ng aktres.
At tulad nga ng role niya sa “Viral Scandal”, isa sa pinakamahalagang factor sa pag-handle ng mga family problems ay ang pagbibigay ng unconditional love and support sa bawat miyembro ng pamilya.
“It is not in the lighter days, the happier days that our characters are telling of ourselves. It’s really the darker days of our character.
“Hindi mo naman makikita ang pag-uugali kapag maganda at masaya lang siya eh. Mas nakikita mo yan kapag sinusubok ng pagkakataon ang pagkatao mo.
“So I think for that alone, just making sure that my children feel loved and whatever happens within the family or outside of the home, they will always be embraced as themselves. They will always be loved as themselves kahit ano pang mangyari,” magandang paliwanag pa ni Dimples Romana.
https://bandera.inquirer.net/296214/dimples-ibabandera-ang-pinagdaraanan-ng-mga-ofw-hindi-sine-censor-ang-socmed-ng-anak
https://bandera.inquirer.net/308650/babybump-para-kina-dimples-at-angelica-sabay-magbubuntis-women-supporting-women-ganun-naman-dapat-di-ba
https://bandera.inquirer.net/297979/dimples-todo-puri-kay-charlie-pakiramdam-ko-mas-marami-akong-natututunan-sa-kanya