Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

NALAGASAN ng mga followers ang singer-actor na si Janno Gibbs matapos itong manindigan sa kanyang sinusuportahang kandidato ngayong eleksyon.

Sa kanyang Instagram account ay diretsahan niyang inamin na umabot sa apat na libo ang nawala sa kanyang followers sa social media.

“Simula kagabi, 4k (four thousand) followers na ang nawala sa akin. Dahil sa mga personal kong pananaw sa politika,” pagbabahagi ni Janno.

Nitong nagdaang mga buwan kasi ay nagpakita ng pagsuporta ang singer-actor sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

Marahil ay ang mga followers niya na taliwas ang paniniwala sa politika ang nag-unfollow kay Janno dahil nga isa itong “kakampink”.

At kung may nabawas man ay may mga pumalit agad matapos makita af mag-viral sa social media ang screenshot ng post ng aktor.

“New follower here,” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “Laban lang lodi! Will stand head up high together.”

“Padayon, Sir Janno. Sabi nga ng favorite professor ni Tricia Robredo, “If you want to save the world, you have to absorb all its pains. Di pwedeng walang aray,'” hirit pa ng isa.

Bago naman ang pagkalagas ng followers ni Janno ay ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman sa nangyaring partial at unofficial results na inilabas ng Comelec.

Aniya, “Sabi nyo ‘wag nang bitter’. Tanggain na lang na talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP, Nagmove on ba? Tinanggap ba niyo? Hindi. Nagprotesta at nagparecount ng 3x talo pa ri. So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter din kayo. Let us grieve.”

 

Related Chika:
Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Janno hirap na hirap sa costume ni Mang Jose: Pero 90% ng action dito ako talaga, walang double

Janno nakipag-date sa tibo: Ako ang first experience niya tapos nabalitaan ko lesbian na ulit siya

Read more...