Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin | Bandera

Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

Therese Arceo |May 12,2022
facebook
share this

Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

Therese Arceo - May 12, 2022 - 10:14 PM

Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

WAGI ang dating “Pinoy Big Brother” main host at asawa ni Paul Soriano na si Toni Gonzaga sa nagdaang Legacy Icon 2022.

Itinanghal ang TV host-actress na “Outstanding Celebrity Host” para sa kanyang digital talk shaw na “Toni Talks”. Maging ang naturang show ay ginawaran rin ng award bilang “Outstanding Social Media Talk Show”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

 

“Maraming maraming salamat Legacy Icon 2022 awards sa pagkilala bilang Outstanding Ceebroty Host at sa pagkilala n’yo sa Toni Talks bilang Outstanding Social Media Talk Show,” saad ni Toni sa kanyang Instagram account.

Happy naman ang mga netizens sa panibagong achievement ng isa sa pinakakontrobersyal na artista ngayon matapos nitong iendorso ang mga kandidato ng UniTeam na pinangungunahan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Comment ng isang netizen, “Because you are not defined by which company you are in, you are Toni G and will really excel in your field, wherever that may be. I continue to salute you Ma’am Toni.”

“Walang artista nag congrats sau toni. pero madami kaming nagmamahal sayo, ok lng yan yaan mo sila. Congrats sayo at congrats sa bagong president at VP natin,” saad naman ng isa.

Hirit naman ng isa pang netizen, “Because you are not defined by which company you are in, you are Toni G and will really excel in your field, wherever that may be. I continue to salute you Ma’am Toni.”

Nagpaabot rin ng pagbati ang kanyang dating co-host at kaibigan na si Mariel Padilla.

“You just keep winning! That’s my friend!!!!!!!!!” proud na saad nito.

For sure ay super happy rin si Mariel lalo na at ang asawa nitong si Robin Padilla ang nangunguna sa mga nakakuha ng matataas na boto sa pagkasenador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending