Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo

Darryl Yap may patutsada kay Leni Robredo: Talo na po kayo

NAGLABAS ng pahayag ang direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap sa naging pahayag ni Vice President at presidential candidate na si Leni Robredo sa ginanap nitong misa noong Martes, May 10, sa Metropolitan Cathedral sa Naga City.

Ayon kasi kay Robredo, hindi pa naman nagtatapos ang laban bagkus nagsisimula pa lamang ito. Hinikayat rin ng incumbent vice president ang kanyang mga suporta na kumapit at huwag bumitaw sa ipinaglalabang magkaroon ng gobyernong tapat.

“Hindi ko siya kino-consider na pagkatalo dahil marami tayong na-achieve ngayong election na ito,” saad ni VP Leni.

Sey naman ni Darryl habang kino-quote ang bise presidente, “‘hindi ito pagkatalo’. So ano yun? Praktis lang?”

Sa isa namang Facebook post ay bumanat rin ang direktor.

“Pagkatalo po ‘yan, pero pwede namang hindi umastang talunan. Tama na po,” sabi ni Darryl.

Nang silipin namin ang kanyang Facebook account ay sunod-sunod ang mga naging pahayag at patutsada nito kay VP Leni pati na rin sa mga “kakampinks” na tagasuporta nito.

“Paano ko kaya pipiliing respetuhin yung mararamdaman nilang pagkatalo kung di naman nila nirespeto yung pinili kong iboto?” muling post ni Darryl.

May post rin ito na, “Kapag sila ang nanlalait, asaran lang. Kapag tayo, BULLYING.”

 

 

May biro rin ito na mukhang kinulang raw sa dasal ang mga kakampinks.

“Nag-chat po si Lord, sabi nya di raw ba kayo informed na paramihan din ng dasal? 14M lang po ang nagdasal sa inyo, 30 million plus po yung nanalo. screenshot ko po pag di na kayo busy,” sey ni Darryl.

Sinabi rin niya na talo na si Robredo dahil baka raw hindi pa ito aware dahil walang nagsasabi sa kanya.

“VP Leni Robredo, talo na po kayo. Baka wala po kasing nagsasabi sa inyo,” muling patutsada ni Darryl sa isa sa mga katunggali ng kanyang sinusuportahang kandidato.

Ibinahagi rin niya ang mensahe ng pasasalamat ni Imee Marcos na posted sa Facebook page ng VinCentiments.

Sey niya, “Senator Imee Marcos in pink.”

Related Chika:
Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Juliana Parizcova umalma sa blind item ni Vice tungkol sa naghihirap na troll: Never akong nanghingi sa kanya ng pera!

Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!

Read more...