Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections | Bandera

Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections

Therese Arceo |May 11,2022
facebook
share this

Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections

Therese Arceo - May 11, 2022 - 09:49 PM

Rica Peralejo nagbago ang ‘goals’ sa buhay dahil sa 2022 elections
ISA ang dating aktres na si Rica Peralejo sa labis na apektado sa partial at unofficial results ng naganap na eleksyon nitong Lunes, Mayo 9.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa napipintong pagkapanalo ng UniTeam tandem na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte na kumakandidato sa pagkopangulo at pagkabise presidente ng bansa.

“Maraming malungkot, maraming masaya. May mga galit. Ako parang naghalo-halo na. Kaya nagpapasalamat ako sa mga taong nakakaintindi ng motions of my heart,” panimula ni Rica.

Sa kabila ng halo-halong emosyon na nadarama ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga natutunan niya habang panahon ng pangangampanya dahil may mga bagay at goals na nabago sa kanyang buhay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)

 

“Nagpapasalamat din ako sa mga natutunan ko in this season, mga na-clarify ko. May mga bagay man akong hindi ako agree o maintindihan, hindi ko din naman maiaalis na sa gitna ng mga ito ay may magaganda din akong natuklasan. May mga naredefine din ito sa goals ko sa buhay, at narediscover akong pagmamahal sa Pilipinas,” pagpapatuloy ni Rica.

Bukod rito, nagpasalamat rin siya sa mga nakasama niyang kakampink na tumindig para sa mas magandang kinabukasan.

“Thank you sa lahat ng tumindig together. Thanks din sa mga respectful and those who tried to understand the nuances of being a Filipino, being a Christian in this time,” sey ni Rica.

Kwento pa niya, medyo humupa na rin ang kanyang initial feelings sa mga ganap.

“Medyo humupa na ang initial feelings but also so affirmed naman about the decisions I’ve been making in recent months. It has been truly helpful to see all this. I hope that it did the same for you, too. Na may naitulong parin ito sa buhay mo miski papano.

“Kaway-kaway sa aking mga kakampinks, YAKAP!”

 

Related Chika:
Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rica Peralejo hinangaan sa post tungkol sa ‘self-love’

Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending