Alex hiling na tapusin na ang bangayan sa politika, Blaster ng IV of Spades humirit: Seryoso ka ba? | Bandera

Alex hiling na tapusin na ang bangayan sa politika, Blaster ng IV of Spades humirit: Seryoso ka ba?

Therese Arceo |May 11,2022
facebook
share this

Alex hiling na tapusin na ang bangayan sa politika, Blaster ng IV of Spades humirit: Seryoso ka ba?

Therese Arceo - May 11, 2022 - 03:07 PM

Alex hiling na tapusin na ang bangayan sa politika, Blaster ng IV of Spades humirit: Seryoso ka ba?

MAY pakiusap ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa mga netizens ngayong patapos na ang eleksyon.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang hiling sa madlang pipol.

“Sana ay tapusin na ang bangayan dahil lahat naman tayo magkababayan. God bless the Philippines!” saad ni Alex.

Maikli lang ang sinabi ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ngunit umani ito ng napakaraming komento mula sa mga netizens.

May ilan na sumang-ayon sa kahilingan ni Alex samantalang marami rin ang kinukwestiyon ang naging pahayag ng isa sa mga most subscribed Filipino YouTuber.

 

 

“Hindi tayo magkakabayan kasi hindi dapat ipagkalulo ang sariling bayan para sa sariling kapakanan at benepisyo. Tigilan mo kami. Hindi kayo ang nahihirapan,” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Hindi ganon lang kababaw un Alex. Ipagpasalamat mo sa Diyos na nararnsan mo ang kumportableng buhay ngayon. Pero sa mga ordenaryong Pilipino at sa mga mahihirap nating KABABAYAN, dapat ipinaglalaban natin ang kandidatong maiaangat ang buhay nila hindi ang gobyernong mangurarakot!”

Hirit pa ng isa, “Lahat tayo magkababayan, pero ang sakit lang na pagdating sa paghihirap eh ang mahihirap lang ang lubos na naapektuhan. Kinabukasan po ng samba yang Pilipino ang pinaguusapan dito, huwag ka namang mag bulag-bulagan.”

Ipinagtanggol naman ng ibang netizens ang aktres.

“Di ko ma gets daming bad comment sa tweet ni Ms. Alex, theres nothing wrong on her tweet.. Why do lot of people love to bush and use a harmful words? So sad instead of negative and bad words and ilabas sa bibig pwede mag kaisa at respeto sa mananalo politiko hays Naku,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Naloka ako sa mga comment, dami pa din galit. Haha tapusin na nga daw bangayan eh bat parang gusto nyo ata sabihing mag away pa ang lahat.”

Samatala sinagot naman siya ng isa sa miyembro ng IV of Spades na si Blaster Salonga.

“Seryoso ka ba hahahaha!” saad ni Blaster.

Si Blaster ay isa sa mg tagasuporta ni Vice President Leni Robredo samantalang si Alex Gonzaga naman ay kapatid ni Toni Gonzaga na isa sa mga supporters at nag-endorso kay Bongbong Marcos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Alex Gonzaga may payo sa mga aspiring vloggers

Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending