NAAKSIDENTE ang viral online seller at Kapamilya comedienne na si Madam Inutz habang sakay ng kanyang sasakyan.
Abot-langit ang pasasalamat ng dating “Pinoy Big Brother Kumunity” season 10 celebrity housemate na walang nasaktan sa kanila nang maganap ang insidente.
Ang napuruhan daw ay ang kanyang sasakyan na talagang nawasak dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga nito.
Ipinost pa ni Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay sa kanyang Facebook account ang litrato ng wasak na kotse. Makikita na halos madurog ang isang bahagi nito.
Sabi ni Madam Inutz, “DUROG ANG SASAKYAN NI MADAM INUTZ NYO. ACCIDENTS ALWAYS HAPPEN TLGA.
“BUTI NALANG WALANG NASAKTAN. THANK YOU LORD SA PAG GABAY MO SA AMIN,” ang nakasaad pa sa caption ng kanyang FB post.
Hindi naman nabanggit ng komedyana kung paano sila naaksidente at kung saan ito nangyari pero nagbigay siya ng warning sa lahat ng mga driver na nagmamaneho pa rin kahit nakainom.
“KAYA MGA INUTZ LAGI TAYONG MAG IINGAT SA LANSANGAN AT SA MGA DRIVER NA NAKA INOM.
“PLEASE LANG WAG NA PO KAYO MAG MANEHO KUNG UNDER INFLUENCE NG LIQUOR,” paalala pa ni Madam Inutz.
Nagkomento naman sa post ng komedyana ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino, na siyang nagbigay sa kanya ng nawasak na kotse.
“Consider total wreck na yan tiiii… ang mahalaga safe at walang na sugatan. May insurance naman,” sabi nito.
Mensahe naman ng kaibigan niyang si Herlene Budol, “Thanks God at safe kayo dyan teh Madam Inutz.”
Unang nakilala ng madlang pipol si Madam Inutz dahil sa kakaiba at nakakatawa niyang style sa pagla- live selling online.
At dahil sa kanyang kasikatan sa social media, napili siya bilang isa sa mga housemate para sa celebrity edition ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”
https://bandera.inquirer.net/294805/madam-inutz-alyssa-valdez-pasok-na-sa-pbb-season-10-bilang-celebrity-housemates
https://bandera.inquirer.net/296483/baron-humingi-ng-tawad-sa-mga-beking-pisikal-niyang-nasaktan-sana-po-mapatawad-niyo-na-ako
https://bandera.inquirer.net/307460/ruru-madrid-naaksidente-sa-taping-ng-lolong-napuruhan-ang-kanang-paa-im-very-sad