Aiko waging konsehal sa QC: Bukas na bukas may project na agad tayo

Jay Khonghun at Aiko Melendez

IPINROKLAMA na si Aiko Melendez bilang isa sa nanalong konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City nitong Martes ng gabi na ginanap sa Quezon City Hall Legislative Building.

Kasabay ng proclamation ni Aiko ang kapwa niya nanalong konsehal na si Alfred Vargas at iba pa, naroon din ang kapatid ng aktor na nanalong kongresman na si PM Vargas.

Kasama ni Aiko ang dalawa niyang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain at siyempre ang kanyang love of her life na landslide ang pagkapanalo bilang representative ng Zambales na si Jay Khonghun.

Nag-post ng larawan nila ang aktres-politiko na ang caption ay, “Officially Back To public Service! Maraming Salamat sa aking Pamilya na naging inspirasyon ko sa aking kampanya at laban.


“Salamat Congressman Jay Khonghun, salamat baby kahit me laban ka din na sarili di mo ako pinabayaan. Salamat sa aking 2 anak na naging katulong ko sa pangangampanya hanggang mapanalo namen to Andre Yllana at Marthena Jickain love you so much!

“Sa aking kapatid na nagsilbi na campaign manager ko salamat at napanalo naten ito, mahirap man dahil independent ako pero di naten pinaramdam sa ating distrito ang pagiging independent, Angelo Castaneda salamat!

“Kagawad Jon-Jon Llegado na di lang kaibigan kapamilya na din namen salamat sa lahat lahat. Erick Ibañez maraming salamat sa wala kapaguran mo na pakikipaglaban sa akin. Sa aking Team, Marshalls at leaders ko salamat para sa inyo ang panalo na to. Lord God thank you Po!

“Mananatili akong magsisilbi na ayon sa gusto mo at kng ano ang karapat dapat para sa mga tao! Dist 5 QC! Di ko kayo bibiguin,” aniya pa.

Samantala, pagkatapos ng iproklama si Aiko ay tinanong namin kung ano ang gagawin niya sa first 100 days niya bilang konsehal at nagulat kami dahil wala pang 24 oras ay may project na kaagad siya at katuwang niya si Senadora Grace Poe.

Ang kuwento sa amin ni konsehala Aiko, “Bukas na bukas me project na agad ako Ate. Mamimigay ako ng AICS, It’s assistance in individual crisis situation naka-ask ako ng pondo ke Senator Grace Poe na magbibigay ng cash assistance sa mga kabataan.

“Nagpapasalamat ako and magiging katuwang ko senator Grace Poe sa unang project ko as councilor elect.

“Then after n’yan focus na ako sa pagtayo namen ng Action Malasakit Center. One stop shop, it’s a center na nandu’n na lahat ng tulong na need ng mga ka-distritong mapupuntahan nila ‘yun like pag need ng senior citizens ng gamot ay makakakuha sila ng libreng gamot, kapag me need sila ayusin sa papeles sa City Hall imbes na mamasahe sila diyan sa AM (Aiko Melendez) center ko lalapit and kami mismo ang aayos nu’n for them.

“Bawat department and sector me desk sa center na ‘yan kaya excited ako na magawa agad-agad ‘yan para pag oath taking ko hopefully on June 30 meron at handa na yan.”

Sabi namin, “Grabe ang bilis” at sinagot niya kami ng smiley.

Labis siyang nagpapasalamat sa distrito 5 dahil pagkalipas ng 12 years, “Pinagbigyan ako uli tng dist 5 na maging konsehal nila at makapagserbisyo sa kanila. Gusto ko talaga galingan ang pagtulong sa tao.”

https://bandera.inquirer.net/294763/hindi-ako-naghihirap-pero-hindi-ko-rin-masasabing-mayamang-mayaman-ako

https://bandera.inquirer.net/311784/tutok-to-win-partylist-suportado-ng-celebrities-grand-rally-dinagsa

https://bandera.inquirer.net/308020/vico-dinenay-na-may-campaign-rally-si-vp-leni-sa-pasig-city-hall-kahit-mayor-ang-mag-apply-di-bibigyan-ng-permit

Read more...