Charlie Dizon: Ang dami kong natutunan at na-discover sa sarili ko dahil sa 'Viral Scandal' | Bandera

Charlie Dizon: Ang dami kong natutunan at na-discover sa sarili ko dahil sa ‘Viral Scandal’

Ervin Santiago |May 11,2022
facebook
share this

Charlie Dizon: Ang dami kong natutunan at na-discover sa sarili ko dahil sa ‘Viral Scandal’

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 07:02 AM

Charlie Dizon at Joshua Garcia

HINDING-HINDI makakalimutan ng award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon ang mga naging karanasan niya sa drama series na “Viral Scandal.”

Itinuturing ng dalaga ang nasabing proyekto bilang isa sa mga biggest blessing na natanggap niya sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

“Sobrang meaningful and sobrang memorable kasi tulad nu’ng sinabi ko du’n sa Fan Girl (kung saan siya nanalong best actress), ang dami kong ginawa du’n na first time kong ginawa.

“And also dito sa Viral Scandal ang dami kong natutunan at na-discover din pati sa sarili ko. Ang dami kong na-experience na nakaka-challenge and masaya ako na sila (mga co-stars) yung mga nakasama ko during those times kasi sobrang giving lahat and sobrang passionate ng lahat,” pahayag ni Charlie sa “Viral Scandal” finale mediacon.

Napakarami raw niyang natutunan sa pagganap sa serye bilang si Rica Sicat, “Ang laki rin ng tinransform sa akin ng Viral Scandal. Feeling ko may nagbago sa akin talaga. I became stronger, mas naging open yung mind ko sa mga nangyari sa paligid, sa social issues.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RCD Narratives – ABS-CBN (@rcdnarratives)


“Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko itong Viral Scandal and naging part ako ng show na ‘to at nakasama ko lahat ng kasama ko dito,” lahad ni Charlie.

At siyempre, nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng sumuporta sa love triangle nila nina Joshua Garcia at Jameson Blake sa programa.

“Sobrang thankful ako na silang dalawa yung nakasama ko sa show. Si Jameson kasi nakasama ko na rin siya sa ibang shows. For Joshua ngayon ko lang siya naka-partner.

“Thankful ako na tinanggap talaga ng mga tao yung team up namin. Ang aming team Kyle at team Axle. Nakikita ko yung mga reactions sa Twitter, sa Instagram, Facebook, sa lahat. Grateful ako na nakasama ko sila and mababait talaga sila sa akin,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento tungkol sa serye, “Dahil sa pamilya Sicat, ipinakita na grabe yung support system na pinakita nila kay Rica.

“Kumbaga, kahit anong mangyari, kahit nagkagulo din yung pamilya namin, kami-kami pa rin yung magkakasama in the end. With every victim, naaapektuhan din yung buong environment ng victim and du’n ka din makakakuha ng support system.

“Yung kahit anong mangyayari sila at sila pa rin yung babalikan mo. For Rica, masuwerte siya na yung pamilya Sicat ay sinuportahan siya at binuhos yung pagmamahal sa kanya lalo na nung mga times na nahihirapan sila,” paliwanag pa ni Charlie.

Tungkol naman sa susunod niyang proyekto pagkatapos ng “Viral Scandal”, “Of course sobrang excited ko pa rin sa lahat ng gagawin ko. Hindi ko pa rin alam kung anong ie-expect and talagang gusto ko lang naman lagi maibigay yung best ko in every project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko kumbaga laging tumatatak yung bawat project na gagawin ko. Yun yung gusto kong mangyari sana and kung papalarin sana ibigay,” sabi pa ng aktres.

Charlie, Dimples walang iwanan sa pamilya: Kahit anong mangyari, sila’t sila pa rin ang kakapitan at babalikan mo

Dimples todo puri kay Charlie: Pakiramdam ko mas marami akong natututunan sa kanya

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending