Rocco natakot nang malamang buntis na si Melissa: Naisip ko, ready na kaya ako maging daddy? | Bandera

Rocco natakot nang malamang buntis na si Melissa: Naisip ko, ready na kaya ako maging daddy?

Ervin Santiago |May 11,2022
facebook
share this

Rocco natakot nang malamang buntis na si Melissa: Naisip ko, ready na kaya ako maging daddy?

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 07:08 AM

Rocco Nacino at Melissa Gohing

MATINDING kaba at takot ang naramdaman ng Kapuso actor at “First Lady” star na si Rocco Nacino nang malamang magiging tatay na siya.

Kamakailan lamang ay ibinandera nga ni Rocco at ng asawang volleyball player na si Melissa Gohing na magkakaroon na sila ng baby na tinawag nilang biggest blessing sa kanilang married life.

“Yes, super takot. Ang tagal…ang laki ng naging growth ko muna bago ko naisip na hmmmm, ready na kaya ako maging daddy?

“I mean from getting married pa lang and now expecting a baby parang ang layo ng gap ng growth ko noon.

“It was really time for us, kasi naglalambing na rin parents namin and we really want to have a family also. Si Mel din, pangarap din niya magkaroon ng family,” pag-amin ng aktor sa panayam ng GMA network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


Aniya pa, “So, when it happened, ibang klase kasing kaba, kasi malayo kami sa isa’t isa and nagtatrabaho ako noon, e. Nandoon ang stress and kaya nakukuwento namin sa vlog namin na for a while nahirapan kami, kasi nga she was working a lot, I was working a lot also.

“Hindi agad-agad dumating ‘yung blessing, so we had to talk to a lot of people and get into the right state of mind. Kaya nagpahinga kami, nag-beach muna kami,” chika pa ni Rocco.

Patuloy na kuwento ng Sparkle star, “Naging nervous ako kasi nung time na gusto ko, gusto na namin magkaroon ng family, hindi pala siya ganun kadali.

“So, may challenge siya, pero it’s a fun challenge for the both of us, kasi marami kami natutunan sa isa’t isa sa ganitong stage ng buhay namin,” dagdag pa ng future daddy.

Matatandaang nagpakasal sina Rocco at Melissa noong January, 2021 sa pamamagitan ng military wedding na ginanap sa Pier 13 sa South Harbor, Manila sakay ng naval warship na BRP Davao Del Sur LD602.

Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi

Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo

Carla, Tom tuloy na ang dream wedding bago matapos ang 2021; Max inatake ng matinding nerbiyos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending