Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Cesar Montano at Robin Padilla

IPINAGTANGGOL ng dati ring action star na si Cesar Montano ang kaibigang si Robin Padilla sa pagiging number one nito sa senatorial race matapos ang May 9, 2022 elections.

Marami kasing nagulat at kumukuwestiyon sa pangunguna ng mister ni Mariel Rodriguez sa labanan ng mga senador sa isinasagawang canvassing of votes.

Ayon kay Cesar, naniniwala siyang maraming magagawa at maitutulong si Robin sa mga Filipino bilang bagong senador ng Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post, inisa-isa ni Cesar ang mga katangian ni Binoe kung bakit karapat-dapat siyang manalo at maglingkod sa bayan.

“Our incoming Senator Robin Padilla is number 1 because of the majority number of votes of the Filipino people. Tayo pong lahat yun, bumoto sa kanya o hindi, tayo yun.

“We have to respect it, the way you want your own right to get respected. Hindi naman nangyayari po yung gusto ng isa eh gusto rin ng lahat. Pero kailangan natin irespeto ang napili ng nakararami. Batas po yan ng tao at batas din ng Diyos,” simulang pahayag ng ex-husband ni Sunshine Cruz.


Patuloy pa niya, “Naniniwala po ako na marami pong maitutulong si Sen. Robin sa bansa natin. I saw him how he helped and supported the needy & under-privileged filipino people several times noong sya po ay isang simpleng artista lamang. I am a living witness.

“Hindi lang po nya ugali ang ipag-ingay sa media kapag tumutulong sya. Unless other people do it for him. But he doesn’t toot his own horn. Sa simpleng pagkatao nya, alam nya ang tunay na problema ng mga Pilipinong mabababa at hirap. At may solusyon si kapatid na Sen Robin sa mga ito.

“We all know we had senators from past & even present, matatalino at mga abogado pa ang iba. Pero walang ginawa kundi mamulitika & all selfish ambitious agenda. Pinagsisihan natin ang pagboto sa kanila,” pagtatanggol pa niya sa kaibigan.

At sa mga nagsasabing wala naman daw tinapos at experience sa public service si Robin, “Maliwanag po na hindi lamang katalinuhan o diploma ang hinahanap nating katangian para sa ating mga karapatdapat na senador sa ating bansa. Kundi may tunay at ginintuang puso para sa karapatan ng mga mamayang Pilipino.

“Lalu na para sa mga inaaping mga manggagawa, mangingisda, at mga magsasaka. Hintayin lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin.

“It’s unfair to judge him now.
Mabuhay ka Kapatid na Senator Robin Padilla !!! Marami kami na nagmamahal sa ’yo,” pagtatapos ni Cesar.

Todo naman ang pasasalamat ni Robin kay Cesar, “Malalim na pagpupugay sa idolo namin lahat na mga action star. Mabuhay ka po direk Cesar D Montano. Maraming maraming salamat po.”

https://bandera.inquirer.net/283535/mga-anak-ni-sunshine-nagmana-kay-cesar-napakahusay-din-naman-kasing-artista-ng-ama-nila

https://bandera.inquirer.net/292698/dingdong-marian-pinakilig-ang-madlang-pipol-sa-kanilang-live-dance-number
https://bandera.inquirer.net/284671/diego-nagdiwang-ng-ika-26-na-kaarawan-amang-si-cesar-montano-hindi-kabilang-sa-mga-taong-kanyang-pinasalamatan

Read more...