KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na...Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask | Bandera

KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Ervin Santiago |May 11,2022
facebook
share this

KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 07:16 AM

KC Concepcion

PATULOY pa ring nagpapagaling ang singer-actress na si KC Concepcion matapos tamaan ng “bad case” ng COVID-19 sa Amerika.

Medyo okay na raw ngayon ang pakiramdam niya pero kung minsan ay nananakit pa rin ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Una niyang ibinahagi ang kanyang health condition sa kanyang Instagram Story nitong nagdaang araw ang pagkakaroon niya ng COVID-19 kung saan naapektuhan nga ang kanyang “brain and motor skills.”

Sa latest IG post ng panganay na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nagbigay ang dalaga ng update sa kanyang kundisyon.

“So medyo mahina pa left hand and leg ko now. Today is the first day I actually feel better and I still have a little cough,” pahayag ni KC na nasa US pa rin ngayon para tapusin ang kanyang pag-aaral.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)


Nagpapasalamat din ang dalaga sa Panginoong Diyos dahil kahit paano’y nakakalakad na siya nang maayos.

“Hay 10 days na. Lord sana okay na talaga ako. Stay safe everyone so ako kumakapit sa meds at mask pa rin,” dasal pa ni KC.

Matatandaang ibinalita ng aktres sa madlang pipol na muntik nang malagay sa peligro ang kanyang buhay at kung hindi raw naagapan ang sitwasyon niya ay pwede siyang magkaroon ng “possible paralysis” dahil sa COVID-19.

“I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for acting urgently, and arresting a possible paralysis the other day due to a neurological effect COVID had on me,” she said.

Sa nauna niyang post, ibinahagi ni KC ang isang litrato kung saan halatang-halata na meron siyang dinaramdam, “This is me. Unfiltered. I appreciate LIFE even more now… You don’t know how scared I was on Wednesday morning.

“I couldn’t handle it without the meds… It’s 5 am and I am up to drink my morning dose, and will go back to sleep so I can get better… and get this movie finished!!!” sabi ng aktres.

Ipinagdarasal din niya na maging mabilis ang kanyang pag-recover para makabaik na siya sa shooting ng kauna-unahana niyang international movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I have 3 more shooting days to go for Asian Persuasion and I need a negative swab test and 10 more days before I am allowed my SAG to work again,” aniya pa na ang tinutukoy nga ay ang Hollywood film na “Asian Persuasion” directed by Tony Award-winning producer Jhett Tolentino.

KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID

Sinungaling na vloggers kinastigo ni Sharon: Hay naku, pinagkakakitaan na naman ako sa YouTube

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending