Powers nina Claudine, Sir Chief, Arci, Roderick, Imelda ‘di umubra sa Eleksyon 2022

Arci Munoz, Richard Yap at Claudine Barretto

HINDI umubra ang powers at celebrity status ng ilang artista at kilalang personalidad sa katatapos lamang na Election 2022.

Kung maraming taga-showbiz ang nanalo sa tinatarget nilang government position may mga umuwi ring luhaan pagkatapos ng botohan.

Kabilang na nga riyan ang actor-athlete at tinaguriang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na nasa ikatlong puwesto sa mga tumatakbong presidente.

Hindi rin pinalad ang actor-politician at presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno pati na ang vice presidential aspirant na si Tito Sotto at ang aktor at atleta ring si Monsour del Rosario na tumatakbo namang senador.

Sa mga tumatakbo naman sa pagka-governor talo rin ang dating Kapamilya broadcast journalist na  si Sol Aragones (Laguna); ang veteran singer na si Imelda Papin (Camarines Sur); at ang beauty queen na si Sharifa Akeel Mangudadatu (Sultan Kudarat).

Talunan din sa laban ang aktor na si Jerico Ejercito na tumakbong vice governor sa Laguna.

Sa mga kumakanditatong kongresista, hindi rin sinuwerte ang asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez (1st district ng Laguna); ang komedyanang si Angelica Jones (3rd district ng Laguna); Richard Yap (Cebu City); at Rommel Padilla (Nueva Ecija).

Bigo rin sa kanyang unang pagsabak sa politika ang dating PBA superstar na si Alvin Patrimonio na tumakbong mayor sa Cainta, Rizal; ang aktor na si ER Ejercito (Calamba, Laguna); talent manager na si Arnold Vegafria (mayor, Olongapo City); ang stand-up comedian na si Teri Onor (vice mayor ng Abucay, Bataan); at ang premyadong aktor na si Raymond Bagatsing (vice mayor ng Manila).

Sa pagkakonsehal naman, talunan din sina Roderick Paulate at Melissa Mendez (2nd district ng Quezon City); Bobby Andrews at Hero Bautista (4th district ng Quezon City); Ali Forbes (6th district ng Quezon City); Arci Muñoz (Cainta, Rizal); Dennis Padila (Caloocan City); stand-up comedian Inday Garutay (San Juan); at Claudine Barretto (Olongapo City).

https://bandera.inquirer.net/304057/vice-ganda-binigyan-ng-powers-ng-abs-cbn-para-patakbuhin-ang-its-showtime

https://bandera.inquirer.net/300461/dongyan-ibabandera-ang-powers-ng-pinoy-sa-year-of-the-superhero-ng-gma-dingdong-heart-bea-sanib-pwersa-na
https://bandera.inquirer.net/313101/arjo-richard-lucy-ejay-vico-aiko-james-iba-pang-celebs-wagi-sa-eleksyon-2022

Read more...