AI AI nag-sorry kay P-NOY; Dating asawang si JED SALANG kakasuhan ng MALACANAÑG?


“Pag nakikita niyang (Marian Rivera) naluluha-luha ako, binibigyan niya ako ng potato chips. Ha-hahaha! ‘Yun lang katapat ko, okay na ‘yun sa akin,” ang tumatawang sabi ni Ai Ai de las Alas nang tanungin siya sa presscon ng “Kung Fu Divas”.

Inamin ng Comedy Queen na nasabay ang shooting ng pelikula sa paghihiwalay nila ng asawang si Jed Salang at hindi niya itinanggi na minsan ay nadadalala niya ito sa set at naiiyak siya at naroon si Marian sa tabi niya para alalayan siya.

Tapos na ba siyang umiyak? “Ayokong maging plastic, may mga time pa rin kapag naiisip ko, naaalala ko, naiiyak ako. Siyempre hindi naman agad-agad ‘yun kasi medyo malalim ‘to kasi nag-asawa ako, eh.

“Hindi naman ‘to syotaan lang or any relationship lang, it’s marriage.  Hindi nag-work out kaya medyo malalim ‘yung sugat sa akin at alam ko na balang araw, I’ll move on,” paliwanag ni Ms. A.

May galit pa ba sa puso ni Ai Ai? “Ayoko ng magalit, moving forward, it’s hard to forget, but it’s easy to forgive pero ‘yun ang parati kong prayers kay God na sana sabay,” mabilis na sagot ng komedyana.

Napatawad na ba niya ang asawa niya? “Ah, papunta na tayo at nagdadasal pa rin ako,” kaswal na sagot niya. Samantala, nagalit daw ang Malakanyang sa nag-iisang Comedy Queen dahil ginagamit daw niya si Presidente Noynoy Aquino para ayusin ang problema nila na base diumano sa abogado ng asawa niyang si Jed Salang.

“Oo nga, eh, humihingi ako ng paumanhin para sa sarili ko kasi nakakahiya sa Presidente, nakakahiya sa Malakanyang na pati ‘yung mga pangalan nila nadadawit sa domestic problem namin ng husband ko, e, mali ‘yun.

“Sabi ko nga, next time na magsasalita sana ‘yung lawyer niya, sana isipin niya na ‘yung kliyente niya ay may gag order na lahat kami ay may gag order na anything hindi kami puwedeng magsalita, ako ingat na ingat ako magsalita about that and maling-mali talaga ‘yun.”

Dagdag pa ni Ai Ai, “Alangang isipin pa ni Presidente ang lovelife ko, lovelife nga ni friendship (Kris Aquino) hindi niya iniisip, ako pa ba!? Ha-hahaha!”

At muling kinlaro ni Ai Ai na hindi miyembro ng PSG ang mga guwardiyang nagbabantay sa kanya kundi PNP. “Yung mga kasama ko is PNP, ako nagpapasuweldo ro’n, hindi ako nagnanakaw sa bayan, hellooo?

At part ‘yun para sa proteksyon ko sa sarili ko. Kaya doon sa lawyer niya (Jed), dapat huwag mong ipahamak ang kliyente mo, di ba nakakatawa,” banggit ng aktres.

Puwede bang kasuhan ng contempt of court ang abogado ni Jed? “Ewan ko, tingnan natin baka Malakanyang ang magkaso sa kaniya, sila magkaso para matuto,” tumatawang sabi pa sa amin ni Ai Ai.

( Photo credit to Google )

Read more...