Maris Racal, Alexa Ilacad nagbilad ng kaseksihan sa ‘Hot Summer in Baler’ ng Star Magic

Maris Racal at Alexa Ilacad

BACK-TO-BACK summer treats ang handog ng Star Magic sa pagpapatuloy ng kanilang 30th anniversary this year.

Kabilang na nga riyan ang naganap na launching ng kanilang pinakabagong digital video magazine na “Slay” at travel reality show na “HOT Summer in Baler” sa “Slay the Hot Summer” event na naganap sa Resorts World Manila last Sunday, May 1.

Isang kakaibang Alexa Ilacad ang matutunghayan bilang unang cover girl ng “Slay” na nagbibigay halaga sa women empowerment at body positivity.

Ibabahagi ni Alexa sa digital video magazine ang kanyang karanasan sa shoot at kung paano ito nakatulong sa kanya bilang isang babae.

“Ipinakita nito kung gaano ako ka-deserving mahalin at kung paano ko mahahalin yung sarili ko,” saad ni Alexa sa teaser na inilabas ng Star Magic.

Makakasama niya sa digital video magazine ang Ultimate Slaymate na si Thamara Alexandria, at iba pang Slaymates na sina Missy Quiño, Alyssa Exala at Sharina Villena.

Nakauna naman na ang ilang fans nina Alexa at slaymates sa advanced screening at meet and greet noong Biyernes (Abril 29) sa KTX.PH.


Samantala, hot na hot din ang Star Magic na si Maris Racal sa latest sexy pictorial niya para pa rin sa Star Magic’s “Hot Summer in Baler” special.

Ipinost ng dalaga ang kanyang bonggang bikini photos sa Instagr na may caption na, “This was my first professionally done photo shoot wearing a bikini.

“I admit I was quite nervous shooting this but so glad people were so supportive (lalo na kayo @alorskieee @janeoineza). Thank you sa napakagaling na team @youmeusmnl, and of course @direklauren and @starmagicphils for making #HotSummerBaler happen,” aniya pa.


Bukod sa “Slay,” dapat ding abangan ang pagsasama-sama ng ilang Star Magic artists na sina Jane Oineza, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Maureen Wrob, Zach Guerrero, Michelle Vito, Karina Bautista at Eian Rances sa pagpapamalas nila ng kanilang hot bodies sa Baler sa “Hot Summer in Baler.”

Kasama rin sa project na ito sina Brent Manalo, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Esynr Ranollo, Alora Sasam at Pepe Herrera.

Napapanood na ang unang episode nito sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Magic.

Sundan ang @StarMagicPhils sa Facebook, Twitter, at Instagram at mag-subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th anniversary celebration ng Star Magic.

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

Magulang ni Glaiza hindi boto noon kay David Rainey: Parang nag-worry sila sa akin kasi…

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Read more...