KUNG ilalarawan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes si Marian Rivera sa pamamagitan ng isang salita, yan ay ang pagiging “selfless” nito bilang isang ina at asawa.
Habang tumatagal ay mas lalo pa niyang nakikilala si Marian at habang dumadaan ang panahon ay mas tumitindi pa at nagiging solid ang relasyon nila bilang married couple dahil sa kabutihan at pagiging mapagmahal ng Kapuso actress at TV host.
Sa nakaraang face-to-face presscon ng kauna-unahang sitcom ng tambalang DongYan na “Jose & Maria’s Bonggang Villa”, ay natanong nga ang award-winning actor kung paano niya mailalarawan si Marian bilang nanay nina Zia at Sixto.
“Well, siguro sa isang salita, selfless. And I think, yun ang nasaksihan ko with her, especially ngayong nagkaroon na kami ng mga anak.
“Talagang naging very, very selfless. And I think, isa talaga yun sa mga traits ng nanay,” sagot ni Dingdong.
“And na-realize ko pa siya more noong ginawa namin ang documentary. Kasi sinamahan ko siya sa journey na yun, pati ang sarili niyang mother.
“Yun ang common denominator nilang dalawa at ng lahat ng nanay na nakita ko while doing that documentary. While going through that journey with her, it’s really their selflessness,” dagdag pa ng aktor at TV host.
Ang tinutukoy na documentary ni Dingdong ay ang “Miss U: The Journey to the Promised Land” na ipinalabas kamakalawa, May 7, sa GMA 7.
Samantala, super excited na ang mag-asawa sa nalalapit ng pag-ere ng kanilang “Jose & Maria’s Bonggang Villa” dahil finally ay mapapanood na rin ng Kapuso viewers ang ipinagmamalaki nilang sitcom.
Ang mga karakter nila sa nasabing programa ay hango sa isa nilang endorsement sa kanilang YouTube account na kinunan sa loob lang ng kanilang bahay noong kasagsagan ng COVID-29 pandemic.
Kuwento ni Dingdong, “Siguro hindi lang yung kung sino ang Jose and Maria sa tahanan namin, pero gusto rin naming gawin na masilip din kung ano ang nangyayari sa buhay may-asawa, sa bawat tahanan ng mga Pilipino.
“Kasi maraming mga issues na napag-uusapan. Yung mga challenges, yung mga conflicts, di ba? Yung mga bagay na medyo nakakatawa, pero ganito pala, may problema.
“So, tinatalakay rin siya creatively throughout the show mismo, so hindi lang siya puro comedy.
“May mga episodes din siya na may drama. Basta ang bottomline, every episode, pagkatapos niyong panoorin iyan, may takeaway na values. May takeaway na learnings and at the same time, nae-entertain ang manonood,” paliwanag pa ng aktor.
Sa tanong kung gusto ba nilang maging long-running din ang kanilang bagong sitcom tulad ng Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes, “Sana! Yun ang goal.”
“Kasi sa tingin namin, kung nagawa siya dati ng iba, sa tingin naman namin, posible siya. Bakit hindi? Gusto rin namin iyon,” sabi pa ni Dong.
Mapapanood ang “Jose & Maria’s Bonggang Villa” tuwing Sabado, simula sa May 14, 7:30 p.m.. Ito’y mula sa GMA Networks, APT Entertainment at ng AgostoDos Pictures na pag-aari ni Dingdong.
Makakasama rin dito sina Pekto Nacua, Benjie Paras, Shamaine Buencamino, Pinky Amador at marami pang iba, sa direksyon ni John Lapus.
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/312567/paalala-ni-dingdong-sa-mga-botante-ngayong-eleksyon-ang-binoboto-mo-ay-representation-ng-pangarap-mo
https://bandera.inquirer.net/300369/marian-inakyat-si-beatrice-sa-stage-ng-miss-universe-2021-sigaw-sa-pinoy-fans-proud-tayo-di-ba