Chito tinawag na ‘supermom’ si Neri: You are a blessing to everyone, mahal ko! Happy Mother’s Day!

Neri Naig at Chito Miranda

PARA kay Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, maituturing niyang isang “supermom” ang pinakamamahal niyang asawa na si Neri Miranda.

Isang super sweet at nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ng singer-composer para sa kanyang misis ngayong Mother’s Day kung saan inisa-isa nga niya ang mga katangian nito bilang asawa at nanay.

Nag-share siya sa Instagram ng graduation picture ni Neri at nilagyan ng caption na: “Supermom.

“I don’t know how you do it.

“I mean, I could see you, first hand, doing everything that you do in front of me, but it still baffles me kung paano mo nagagawa lahat yun.

“Kumbaga sa magic trick, kahit kasama kita, at nandu’n ako backstage, hindi ko pa rin alam kung paano mo ginagawa yung lahat ng ginagawa mo,” papuri ni Chito kay Neri.

Aniya pa, “Sobrang nakalabilib lang.

“Ang galing eh: inaalagaan at inaasikaso mo kami, including me and Ninang, our house, our farm, yung mga businesses natin, yung mga negosyo mo, mga hosting jobs, guestings, at endorsements, tapos tumutulong ka pa sa community (kahit sa mga taong di mo kilala).

“Tapos may time ka pa mag-aral ng languages online, manood ng series, at magbasa ng mga libro.

“Para bang higit sa 24hrs ang oras mo kada araw.


“Tapos, after completing an online business course sa Harvard, nagkapag-graduate ka pa ng Business Administration sa University of Baguio,” sabi pa ng OPM icon.

Sa bandang huli ng appreciation post ni Chito niya para sa kanyang wais na misis, proud din siya dahil napakaraming nanay na nai-insipire sa mga natatamo niyang tagumpay sa buhay.

“You are truly amazing, Ms. Neri…and ang maganda du’n, marami kang nai-inspire na mga moms like you, to break through their limitations, to follow, pursue, and focus on their goals and dreams, to be more than what they think they could be, and to achieve more than they could imagine.

“You are a blessing to everyone, mahal ko. Happy Mothers Day,” ang pagbati pa ng singer-songwriter kay Neri.

https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

https://bandera.inquirer.net/310989/chito-tuwang-tuwa-sa-mga-nahuli-nilang-isda-ni-neri-medyo-feeling-mo-nilibre-ka-ni-god
https://bandera.inquirer.net/309834/hugot-ni-neri-para-kay-chito-wala-talagang-bilib-tong-asawa-ko-sa-akin-kontra-bulate-na-naman

Read more...