WORTH it ang effort at desisyon ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na bumalik sa Pilipinas para gawin ang Kapuso drama series na “Raising Mamay.”
Ito’y dahil nga sa napakainit na pagtanggap ng mga manonood sa bago niyang serye kung saan gumaganap siyang nanay na may sakit sa pag-iisip.
Isa raw ito sa pinaka-challenging role na ibinigay ng GMA kay Ai Ai at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagpo-post ng positibong komento tungkol sa pagganap niya sa programa.
Aniya, sulit na sulit daw ang ginawa niyang paghahanda para sa kanyang karakter bilang nanay ni StarStruck Ultimate Female Survivor Shayne Sava.
“May regression ako as bata so siyempre aaralin mo. ‘Di mo naman pwedeng iarte mo lang ‘yun nang ganoon na wala kang pinagkukunan o pinaghuhugutan kung ano ba ‘yung character ng isang bata,” ang pahayag ng komedyana sa panayam ng GMA noong Miyerkules, May 4.
Samantala, excited na rin si Ai Ai na bumalik sa Amerika dahil miss na miss na niya ang asawang si Gerald Sibayan pati na rin ang kanyang mga anak.
Aniya pa, looking forward din siya sa pagtungo sa Gainesville, Florida para sa show niya sa May 14 kung saan bibigyang-pugay nila ang mga Pinoy nurses doon.
* * *
Todo rin ang pasasalamat ng buong production ng Kapuso series na “Apoy sa Langit” dahil sa matagumpay na pilot episode nila last Monday, May 2.
Hindi lang ang mga manonood ang bumilib sa unang pasabog pa lang ng kuwento kundi maging ang mga cast members ng serye sa GMA Afternoon Prime.
Ayon sa direktor nitong si Direk Laurice Guillen, masaya siya dahil napanood na niya ang pilot episode na kanilang handog sa GMA Network.
“Masaya ako dahil nakita ko here sa set kasama lahat ng mga cast and crew,” pahayag ng direktor ng “Apoy Sa Langit” na si Laurice Guillen.
Super thank you naman si Maricel Laxa sa mga sumusubaybay sa ikalawang teleserye niya sa GMA,
“Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng sumubaybay sa Apoy sa Langit. This is just the first of the many more exciting days to come kaya abangan!”
Sey naman ni Zoren Legaspi, “Awesome! Keep watching!”
Para naman kay Mikee Quintos, “Nabitin ako… I hope you guys liked our first episode for Apoy sa Langit.”
Ito naman ang reakson ni Lianne Valentin, “Grabe ang pilot episode natin. Very, very exciting lalo ‘yung mga ganap.”
https://bandera.inquirer.net/310522/shayne-sava-relate-na-relate-sa-mga-hugot-scenes-ng-raising-mamay-may-inamin-tungkol-kay-ai-ai
https://bandera.inquirer.net/312399/mikee-quintos-pasado-na-bilang-ultimate-leading-lady-tanggap-ng-fans-kahit-sino-ang-ka-loveteam
https://bandera.inquirer.net/312482/jo-berry-first-time-rumampa-sa-santacruzan-pilot-episode-ng-apoy-sa-langit-ni-mikee-quintos-wagi-agad