Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli walang ineendorsong kandidato, kumakalat na video ‘fake news’

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli walang ineendorsong kandidato, kumakalat na video 'fake news'
NAGLABAS ng statement ang Viva Artists Agency hinggil sa kumakalat na isyu ukol sa mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Ayon sa kanila, walang sinusuportahang kandidato ang mag-asawa ngayong darating na eleksyon.

“Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli are not endorsing any political candidate for the upcoming elections,” saad ng Viva.

Dagdag pa nito, “For updates and announcements, please only refer to verified and official social media accounts.”

 

 

Nagsimula uto nang kumalat ang isang video clip sa social media mula kay SMNI reporter na si MJ Mondejar na nagsasabing maraming bigating artista ang sumusuporta sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ngunit hindi lang makalantad dahil hindi sila pinayagang mag-endorse.

“Alam mo maraming akong narinig na mga artistang bigatin na hindi daw sila allowed na magendorse ng kandidato. Bigyan ko kayo ng clue, asawa ni Matteo G, kilala ninyo yan!” saad ni Mondejar habang nag-uulat sa nagaganap na UniTeam campaign sortie sa Tagum City.

Kaya naman isang netizen ang nag-call out sa Viva upang linawin kung may katotohanan nga ba ang pahayag ng SMNI reporter hinggil sa pagsuporta nina Sarah at Matteo sa mga nasabing kandidato.

Matapos ang ilang oras ay naglabas na ang Viva ng statement at sinabing walang ineendorsong kandidato ang kanilang mga algang artista.

Matatandaang noong nakaraang linggo lang rin nang mag-viral si Sarah Geronimo matapos kumalat ang tila IG story ng Viva Artists Agency kung saan nakasuot ng pink ang popstar royalty na may nakasulat na “papunta pa lang tayo sa exciting part” na isa sa mga bumentang linya ni Jodi Sta. Maria sa Kapamilya series adaptation series na “The Broken Marriage Vow”.

Agad na pinabulaanan ng Viva ang naturang larawan at sinabing “altered” ito at “edited”.

Ngayon nga ay malinaw nang walang sinusportahan o ineendorsong kandidato ang mag-asawa at “fake news” ang kumakalat na chikang sinusuportahan nito ang tambalang Marcos-Duterte sa darating na eleksyon.

Related Chika:
Miss Universe Philippines Rabiya Mateo binati nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Matteo Guidicelli sinagot ang pregnancy rumors tungkol kay Sarah: Ang sexy nga ng asawa ko!

Matteo solid Popster pa rin kahit asawa na si Sarah: I am very, very proud of you!

Matteo gusto nang maging daddy, tinukso-tukso si Sarah: Babies! Babies!

Read more...