Jake Cuenca walang panahong magpakasenti sa paghihiwalay nila ni Kylie Verzosa

Jake Cuenca at Kylie Verzosa

MUKHANG walang panahon si Jake Cuenca na magmukmok matapos ang break-up nila ni Kylie Verzosa dahil pagkatapos ng serye niyang “Viral Scandal” ay may tatlo pa siyang project na ginagawa.

Kung tama ang dinig namin ay may bagong drama series nang tinatapos si Jake habang hinihintay naman niya kung kailan sisimulan ang isa pa.

Bukod pa ito sa natapos na niyang pelikula na ipinrodyus at idinirek ng international director.

Pareho ang style nina Jake at Kylie na gawing busy ang mga sarili para mablis silang makapag-move on sa kanilang break-up.

Balita rin namin ay nakipag-usap na si dating Miss International 2016 sa Viva management na bigyan pa siya ng maraming projects para maging busy at nangako naman daw si Boss Vic del Rosario na hahanapan siya ng mga bagong proyekto.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nag-uusap o nagkukumustahan sina Jake at Kylie tulad ng sinabi ng dalaga sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi na wala pang nagaganap na pag-uusap sa kanila ng dating karelasyon.

Isa kami sa nanghinayang din kina Jake at Kylie dahil plano na pala ng aktor na i-level up ang relasyon bago sila naghiwalay, sayang at hindi na nga ito matutuloy.


Pahinga raw ang puso ng aktor ngayon at hoping naman na bago siya tumuntong ng 40 years old ay may pamilya na siya — 35 anyos na si Jake ngayong taon.

Sa isang Instagram post ni Jake, siya na mismo ang nagkumpirma na tapos na ang relasyon nila ni Kylie, “I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past three years of my life have certainly been the best,” he said, before confirming that he and Kylie have split up.

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to,” aniya.

https://bandera.inquirer.net/293326/kylie-bilib-sa-mga-sex-scenes-ni-jake-sa-pelikula-gusto-ko-ring-maging-katulad-niya
https://bandera.inquirer.net/305126/diego-tikom-pa-rin-ang-bibig-sa-break-up-nila-ni-barbie-us-trip-malaking-tulong-sa-mental-health

https://bandera.inquirer.net/306824/janine-sa-relasyong-rayver-julie-anne-whatever-makes-him-happy-im-always-gonna-care-about-him

Read more...