NAGBAGO ang pagtingin ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang wifey na si Marian Rivera pati na sa mother-in-law niyang si Mommy Amalia.
Mas bumilib at mas na-appreciate pa raw niya niya ngayon ang lahat ng ginagawa ni Marian para sa kanilang pamilya at sa mga taong itinuturing nilang espesyal mula nang sila’y ikasal at magkaroon na ng sariling mga anak.
Ayon sa award-winning actor, mas tumibay at naging solid pa ang kanilang relasyon nang gawin nila ang Mother’s Day special documentary na “MISS U: A Journey to the Promise Land.”
“Bilang storyteller, depende sa kung ano ‘yung perspective. Kaya para sa akin, actually mas natulungan ako ng documentary to appreciate my wife more,” simulang pagbabahagi ni Dong sa panayam ng GMA Network.
Aniya pa, “Siguro, I’d like to put it that way. Kasi as a storyteller, ‘yun ‘yung way ko kung paano ko siya ikukuwento and siguro nagbabago ‘yung paraan na ‘yun, depende sa mood or depende sa inspiration.
“But siguro, what I can say, because of this story and because of ‘yung experience ko witnessing and everything that had happened when we were in Israel, nagbago ‘yung tingin ko sa kanya,” kuwento pa ng “Family Feud” host sa nasabing interview.
Bukod dito, marami rin siyang natuklasan kay Marian habang ginagawa nila ang nasabing dokumentaryo.
“Mas humanga ako sa kaniya bilang isang nanay, kasi naintindihan ko kung saan siya nanggagaling, kung ano ‘yung pinagmumulan niya. Kasi minsan kung out of context ‘yung mga bagay, hindi mo na-a-appreciate, e.
“Pero while doing it and making it, meron pa akong bits and pieces information na nakukuha ko na hindi ko alam dati.
“And, lumabas lang ‘yung circumstance and itong mga bagay na ito, hindi mo siya makukuha every day. That is why sabi ko, because of these bits and pieces of information mas nabuo lalo ‘yung pagkatao niya bilang isang nanay,” sabi pa ng Kapuso TV host at aktor na siya ring nagdirek ng “MISS U: A Journey to the Promise Land.”
Kasunod nito, nabanggit nga ni Dong na mas bumilib pa siya sa kanyang mother-in-law na si Mommy Amalia.
“Hindi lang bilang isang nanay, bilang anak din ng isang OFW. Mas na-appreciate ko rin ‘yung mother-in-law ko ngayon at higit sa lahat ‘yung mga nanay out there, who are also in the similar situation na nagtatrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanilang mga anak.
“Kung bakit nila ginagawa ‘yun. Isang napakatinding saludo talaga sa kanila. So ‘yun ang naging, journey of telling the journey of the story, which I think is very appropriate, especially for Mother’s Day,” pahayag pa ni Dingdong.
Mapapanood na ang “MISS U: A Journey to the Promise Land” sa darating na Sabado, May 7, pagkatapos ng “Eat Bulaga.”
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/297667/dingdong-miss-na-miss-na-si-misis-at-2-anak-marian-payag-na-ba-sa-faceface-classes
https://bandera.inquirer.net/305093/ellen-nagbago-ang-itsura-ng-boobs-dahil-sa-pagiging-padede-mom-hindi-na-rin-pwedeng-pakawala