NGAYONG taon na nakatakdang magpakasal ang dating child star na si Serena Dalrymple sa kanyang non-showbiz American boyfriend.
Ito ang kinumpirma ni Serena sa kanyang latest Instagram post kung saan makikita ang sweet photo nila ng kanyang fiancé na si Thomas Bredillet.
Kalakip nga ng nasabing litrato ang pa-trivia ng former Kapamilya child star kung paano sila nagkakilala hanggang sa maging magkarelasyon at very soon ay mauuwi na rin sa kasalan.
“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on bumble.
“Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year?” ang caption ni Serena sa kanyang IG post.
Sa comment section, nagpalitan ng mensahe sina Serena at Carlo Aquino na gumanap na magkapatid sa classic hit Star Cinema movie na “Bata, Bata … Paano Ka Ginawa?” na pinagbidahan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Sey ni Carlo kay Serena, “Okay bumble.” Na nireplayan naman ng dating child star ng, “Online dating app success story.”
“I’m so happy for you,” ang sumunod na mensahe ni Carlo kay Serena na hanggang ngayon ay napanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.
Sa Amerika na naninirahan ngayon si Serena at kung hindi kami nagkakamali, huli siyang umuwi sa Pilipinas noong April, 2018.
Gumradweyt siya ng Bachelor of Arts degree in Business Administration mula sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011 at natapos naman niya ang kanyang post-graduate studies in International Business sa Hult International Business School sa London.
Nakilala si Serena bilang child star noong dekada 90 at bukod nga sa “Bata, bata.. Paano Ka Ginawa?” bumida rin siya sa mga pelikulang “Haba-baba-doo, Puti-puti-poo”; “‘Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong”; “Tik Tak Toys My Kolokotoys”; “Ang Tanging Ina”; at “Wansapantaym The Movie.”
Ang huling pelikula na ginawa niya ay ang blockbuster film na “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!)” noong 2010 na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas.
https://bandera.inquirer.net/311331/xian-lim-payag-bang-magkaroon-sila-ni-kim-chiu-ng-prenup
https://bandera.inquirer.net/301174/k-brosas-umapela-sa-madlang-pipol-na-nagpa-book-sa-siargao-wag-muna-tayo-magpa-refund
https://bandera.inquirer.net/290286/kim-molina-jerald-napoles-ayaw-pang-magpakasal-madaling-magplano-mahirap-panindigan