Matapang si PNoy

HINDI ako tagahanga ni Pangulong Noy, pero saludo ako sa kanya sa paghawak niya ng krisis sa Zamboanga City.

May kasabihan sa Ingles na, the best and the worst in man is found in a crisis.

Ipinakita ng pangulo ang kahanga-hangang katangian bilang isang lider sa Zamboanga City.

Nananatili siya sa siyudad upang ipakita sa government troops bilang kanilang commander-in-chief at sa taumbayan na kontrolado niya ang sitwasyon.

Wala pang pangulo na nauna kay PNoy na nagpakita ng ganyang katapa-ngan: Ang itaya ang buhay upang huwag mag-alala ang bayan na babagsak ang bayan sa mga kamay ng kaaway ng estado.

Diyan naiiba si Pangulong Noy sa kanyang mga predecessors.

Ang katapangan ni  PNoy ay namana niya sa kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Cory at dating Sen. Ninoy Aquino.

Si Tita Cory ay di natakot habang nilulusob ang Malakanyang ng mga rebeldeng sundalo noong siya’y pangulo.

Hindi natakot si Senator Ninoy sa mga banta sa kanyang buhay kaya’t siya’y binaril sa airport nang dumating siya galing sa America.

Courage– the control of fear, not the absence of fear– runs on both sides of PNoy’s family: Aquino and Cojuangco.
Dapat sana ay nagka-trauma si PNoy sa pagka-kabaril sa kanya ng mga rebeldeng sundalo noong 1987 coup attempt, pero hindi.

Nagtamo ng mga malubhang sugat ang batang si Noynoy Aquino, at hanggang ngayon ay may mga shrapnel pa siya sa loob ng kanyang katawan na hindi puwedeng tanggalin. Ganoon katatag ang loob ni PNoy sa pagharap sa panganib.

Mga pekeng rebelde naman pala ang mga sumurender kay Senior Supt. Chiquito Malayo, hepe ng pulisya ng Zamboanga City.

Napaulat na si Malayo ay nabihag ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa kasagsagan ng away sa siyudad. Nguni’t siya’y pinakawalan o nakatakas, pero ang sabi niya ay siya’y nakipag-usap sa ilang mga rebelde sa kanilang pagsuko.

Pero sinabi ng isa kong kaibigan, na miyembro ng intelligence community, na hindi miyembro ng MNLF ang mga sumuko kay Malayo.

Ito ang kabuuan ng text message na nanggaling daw sa isang intelligence asset ipinadala sa aking kaibigan: “halo-halo, sir, may mga Kristiyano at Muslim. Pinik-up ni col. Malayo tapos pinasuot ng mnlf uniform.”

Isa pang text message, na nanggaling diumano sa isang military source niya sa Zamboanga, ang nagsasabi ng ganito: “ongoing pa ang tactical interrogation sa mga pekeng mnlf (MNLF) sa westmincom (Western Mindanao Command, sir. nagtanong ako sa mga mnlf brothers pero wala daw cla (sila) kilala sa mga nagsurender.”

Komedyano pala itong si Senior Supt. Chiquito Malayo na gaya ng kapa-ngalang yumaong aktor na si Chiquito.

Caught in the act ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Tarlac Asst. Prosecutor Noel S. Adion habang tinatanggap niya ang marked money sa isang respondent sa kanyang opisina.

Pumasok si Adion sa bitag na isinagawa ng NBI upon the request of my public service program, “Isumbong mo kay Tulfo.”

Inireklamo kasi sa in-yong lingkod si Adion ng isang respondent na may kasong kriminal sa kanyang opisina.

Hinihingan daw ang respondent ng P30,000
upang idismis ni Adion ang kanyang kaso.

Kung kayo’y kinikikilan ng isang judge o prosecutor upang mabigyan kayo ng favorable decision, pumunta kayo sa akin.

Tutulungan ko kayong bitagin ang corrupt na judge o piskal.
Sa aking pagkakaalam, ang mga pinaka-corrupt na judges at prosecutors ay nasa Pasay City.

Kaligayahan ko na tulungan kayo na hulihin ang mga ito.

Biktima kasi ako ng corrupt judge at mga prosecutors sa Pasay City sa
aking kaso laban kina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Read more...