NANINIWALA ang actress-singer at TV host na si Jolina Magdangal na kaya ni Vice President Leni Robredo na bigyan ng magandang buhay at maraming oportunidad ang mga Filipino kapag siya ang nahalal bilang pangulo.
Sa isang video kung saan nagpahayag si Jolens ng suporta sa kandidatura ni VP Leni, ibinahagi niya na kinailangan niyang magtrabaho sa murang edad para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
“Yung sa akin? What a journey. All my life ko hong pinangarap at pinaghirapan ‘yun. Eight years old pa lang ako, nagtatrabaho na po ako. Lahat tayo gusto ng ginhawa. Hindi kailangang marangya ha!” sey ni Jolens.
Dagdag pa ng aktres, “Relate kayo? At dahil alam ko ang pakiramdam ng kumayod kahit sa napakamurang edad, mahalaga sa akin ang magdesisyon nang tama, kasama na ang pagkilatis ng mga kumakandidato tuwing eleksyon.”
Aminado rin si Jolina na apektado siya nu’ng maraming nawalan ng trabaho sa unang lockdown lalo’t maraming nagsarang negosyo.
“Kung kami ngang mga artista, eh nahirapan pa nitong nakaraang mga taon, ano pa kaya iyong mga kapwa nating Filipino na mas maliliit at kapos sa oportunidad?” katwiran niya.
Kaya naniniwala ang “Magandang Buhay” host na kapag nahalal si VP Leni ay, “Puwede nating baguhin ang lahat ng ito kung pipiliin natin ang tamang tao. At dahil alam ko ang kahalagahan ng maayos at ligtas na trabaho, doon ako sa marunong magtrabaho, at nakita natin na nagtatrabaho!
“Yung naranasan na makisalamuha sa masa, yung kagaya nating nagbabanat ng buto, at kayang magtrabaho ng 18 hours per day,” aniya.
* * *
Finally, napanood na namin ang ipinagmamalaking concert ng Calista nitong Martes, Abril 26 na may titulong Vax to Normal concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Malayo ang ipinakita nilang production numbers noon sa launching nila sa Novotel last March 8 na hindi sila sabay-sabay humataw at halatang mga nanginginig pa pati sa mga pagsagot sa tanong ng media ay hindi pa alam kung paano ieesplika.
In more than a month of practice ay malaki ang improvement nila at natutuwa kami sa Calista dahil keri na nilang makipagsabayan sa mahusay ding sumayaw at waka kaming narinig na hinihingal sila habang humahataw, huh. Ilang beses kaya silang mag ehersisyo para sa lungs nila.
Halatang mahal ang budget ng “Vax to Normal All-Star Concert” celebrating frontliners dahil sa stage design at costume ng Calista members na sina Elle, Olive, Denise, Laiza, Anne at Dain.
At higit sa lahat, ang mamahal ng talent fee ng mga guest nila sa pangunguna nina Yeng Constantino, Ken San Jose, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Darren Espanto at Andrea Brillantes.
Napakasuwerte ng Calista dahil sa panahon ng pandemya ay nabuo ang kanilang grupo at talagang ibinigay ang lahat para sa ikabubuti, ikagaganda ng first concert nila sa Big Dome.
Panalo ang production number nina Ken at AC na parehong mahusay sumayaw at nakipagsabayan talaga ang Calista at in fairness, kinaya nila, bravo!
Okay din ang number ng grupo with Darren pero nagustuhan namin talaga ang performance ni Elmo sa awitin ng tatay niyang “Mga Kababayan Ko.”
Kakaiba naman itong si Andrea na inimbita rin bilang guest sa concert pero biglang nangampanya. Sabi ni Andrea (na nakasuot ng pink) sa mga kapwa niya Gen Z, “Vote wisely!”
Mukhang maraming Kakampink sa audience dahil nagpalakpakan naman ang mga ito pero may mga umasim din ang mukha na obviously hindi sila pabor sa ginawa ng dalaga.
Kaya hiningan ng reaksyon ang direktor ng concert na si Nico Faustino sa ginawang ni Andrea na inisip ng iba na baka raw scripted ito pero mariin namang pinabulaanan ng produksyon.
Ani Direk Nico, “It’s her own point of view, nothing against that, it’s fine so, okay naman. Kanya-kanya tayong opinyon, it’s fine okay lang ‘yun I’m okay with it.”
Samantala, abut-abot ang pasasalamat ng Calista sa mga nag-guest sa kanila na pawang malalaking pangalan sa industry.
“Na-starstruck po kaming lahat kasi sobrang down to earth sila. Sobrang nakaka-inspired silang lahat,” saad ng mga miyembro ng Calista.
Ang “Vax to Normal” concert ay produced ng Merlion Events Production, Inc. at sa mga hindi nakapanood nito ay pwede n’yo itong tutukan sa TV5, ngayong May 1 na sa ganap na 9 p.m..
Saad naman ng pinaka-leader ng Calista na si Anne, “Thank you so much for all the support from our fans, friends, coaches and of course our families.
“Without their kind words and encouragement, we would not be here at Smart Araneta Coliseum performing and paying tribute to our frontliners.
“We also appreciate the kind remarks from P-pop fans who would continue to challenge us and keep us motivated to push forward and do better,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/311995/vax-to-normal-concert-ng-calista-sa-araneta-pasabog-mula-simula-hanggang-ending-darren-ac-hataw-kung-hataw
https://bandera.inquirer.net/306518/jolina-hindi-kailanman-naisip-talikuran-ang-pagiging-kapamilya-kahit-sarado-na-ang-abs-cbn
https://bandera.inquirer.net/305714/jolina-nasusungitan-ang-pamilya-dahil-sa-anxiety-pakiramdam-ko-balewala-lahat-ng-efforts-ko