Rayver ibinuking ng fans, ‘nag-report’ daw agad kay Julie Anne paglabas ng lock-in taping

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

NAGDUDUDA na kami rito kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, ha! Ano na nga kaya ang tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon?

Pagkalabas kasi ng aktor mula sa isang buwan na lock-in taping para sa serye nilang “Bolera” ay nakipagkita kaagad siya  singer-actress.

Nabuking lang namin ito dahil sa ipinost ni Rayver sa kanyang Instagram na nagti-TikTok dance sila ni Julie Anne gamit ang awiting “Ain’t Thinking About You” ni Chris Brown.

Ang caption ni Rayver ay, “Ayee.”

Hindi naman maitatagong galing sa lock-in shoot ang aktor dahil ang itim ng kulay niya ngayon.

At kaya rin namin nalamang nakipagkita siya kay Julie Anne ay dahil sa komento ni @deynsdvilla, “Nasa bahay ka na naman ni Julie Anne. homaygad kailangan ko ng label. hahaha.”

Umayon din dito si @medz_perez_abala, “@deynsdvilla report agad sa love niya.”

Gayun din si @jasminesamson63 kay , “@deynsdvilla what you see is what you get -rayver Cruz.”

Sabi pa ni @joanee1206, “Dyosko nasa bahay na naman sya ni Julie,
‘yan ang manliligaw dapat punta bahay.”


Tinanong namin ang aming source kung ano na ba talaga ang real score kina Rayver at Julie Anne at bakit nag-report kaagad ang aktor sa dalaga.

“Baka na-miss niya, ganu’n naman ang magkaibigan, di ba, nami-miss ang isa’t isa,” tumawang sagot ng aming kausap.

Na-miss talaga? Hindi ba dapat nagpapahinga muna si Rayver dahil galing work, pero heto sabi ng netizen, nag-report daw kaagad sa love niya. Posible namang may bahid ito ng katotohanan.

Bale ba mas lalo pa kaming nagduda sa post ng pinsan ni Rayver na si Sunshine Cruz ng tatlong heart emojis.  May alam kaya si Sunshine tungkol sa JulieVer?

Pati ang kaibigan ni Rayver na si Edgar Allan Guzman ay nagsabi rin ng, “Nayswan! Kill it JulieVer.”

Anyway, si Kylie Padilla ang kasama ni Rayver sa seryeng “Bolera” at balita namin ay sa June na ito eere sa GMA 7. Hmmmm, ano kaya ang makakatapat nitong programa sa ABS-CBN?

Sa Mayo 17 ay kasama si Rayver sa Canada series of show nina Sam Milby at Catriona Gray at babalik ang una sa Pilipinas sa May 25 at magpapaiwan naman doon ang power couple para ipagdiwang ang kaaawan ni Samuel sa May 23.

Madalas magkasama sa out of the country shows sina Rayver at Sam noong nasa ABS-CBN pa ang una kaya natuwa siya na kahit wala na siya sa nasabing network ay kinuha pa rin siya ng producer.

Going back to Rayver and Julie Anne, ano ba talaga — meron o wala?

https://bandera.inquirer.net/308116/rayver-next-year-daw-balak-magkadyowa-si-julie-anne-na-nga-ba-ang-susunod-na-gf

https://bandera.inquirer.net/308248/rayver-julie-anne-nag-collab-sa-tiktok-video-netizens-kinilig-kayo-na-lang

https://bandera.inquirer.net/298261/julie-anne-sa-pagkabigo-sa-pag-ibig-bakit-ako-ba-yung-nagkulang-saan-ako-nagkamali

Read more...