Kidney transplant ni Bea Rose Santiago tagumpay, kapatid ang donor: After 3 years of dialysis, I feel brand new!

Bea Rose Santiago

MAKALIPAS ang tatlong taon pagda-dialysis, itinuturing ni Miss International 2013 Bea Santiago na isang “answered prayer” ang magkaroon ng bagong kidney.

Successful ang isinagawang kidney transplant sa Pinay beauty queen kamakailan kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.

Kasabay nito, may special shoutout si Bea para sa nakababata niyang kapatid na lalaki na itinututing niya ngayong superhero dahil ito nga ang kanyang naging kidney donor.

Sa kanyang Instagram page, masayang ibinalita ni Bea sa madlang pipol ang matagumpay na operasyong pinagdaanan niya kalakip ang ilang litrato at video niya na kuha sa ospital.

Aniya sa caption, “Thank you to my baby brother’s love and bean I am changed.

“Thank you world for showing me kindness and patience and of course to my family, friends and strangers for your support, countless prayers and positive energy.

“FINALLY AFTER THE 3rd TIME AND 3 YEARS OF DIALYSIS! I FEEL BRAND NEW!!! I FEEL LOVED AND RENEWED! THANK YOU THANK YOU THANK YOU!” ang walang katapusang pagpapasalamat niya sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Bumuhos naman ang napakaraming mensahe para kay Bea mula sa kanyang followers sa social media kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz at pageant world.


Ilan sa mga ito ay sina Pia Wurtzbach, Megan Young, Maggie Wilson, MJ Lastimosa at Cindy Miranda. Nagpadala rin sa kanya ng inspiring message ang veteran actress na si Sandy Andolong, na sumailalim din noon sa kidney transplant surgery.

Matatandaang na-diagnose noong August, 2018 si Bea ng chronic kidney disease at simula nga noon ay tuluy-tuloy na ang pagpapagamot niya sa Toronto General Hospital sa Toronto, Canada.

Aniya, limang araw sa isang linggo siyang sumasailalim sa dialysis treatment bilang bahagi ng paghahanda para sa kidney transplant.

Naikuwento pa ni Bea sa isa niyang IG post noong 2019 na ang kanyang nanay, kapatid na lalaki, ang boyfriend na si Marc Nash at isang kaibigan ang ilan sa mga pwedeng maging kidney donor niya.
Ngunit na-delay nga ang kanyang surgery dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa isa namang panayam, sinabi ni Bea na nais niyang maging inspirasyon sa lahat ng mga may karamdaman, “It’s either you get better, or you get bitter. It’s really that simple. You have to take what life has been dealt to you and allow it to make you a better person, better version of yourself, or it will consume you.

“I don’t want my pain to make me a victim. I want my story, my battle, to make me someone else’s inspiration,” aniya pa.

“My experience as Miss International and as a beauty queen was full of awesomeness, smiles, and positive energy. That energy inspires confidence. If you want light to come into your life, you need to stand where it is shining.

“I always think positive. You have to think positively, and that you are braver than you believe and stronger than you think. I think that’s the kind of mindset I choose to live by,” pahayag pa ni Bea.

https://bandera.inquirer.net/310999/sa-wakas-miss-international-2013-bea-rose-santiago-sumailalim-na-sa-kidney-transplant

https://bandera.inquirer.net/288156/miss-international-2013-bea-rose-santiago-5-beses-nagpapa-dialysis-sa-loob-ng-1-linggo
https://bandera.inquirer.net/281549/bff-ko-na-ngayon-ang-dialysis-ito-ang-sumasalba-sa-buhay-ko

Read more...