BUKAS na ng gabi magaganap ang first ever digital concert ng Kapamilya young star na si Anji Salvacion na may titulong “The Feels Concert”.
Umaasa ang “Pinoy Big Brother” season 10 Top 2 na mas marami pa siyang mai-inspire na fans sa kauna-unahan niyang major concert via Ktx.ph.
Ayon kay Anji, itinuturing niyang “answered prayer” at “dream come true” ang kanyang summer paandar na “The Feels Concert” kung saan mas maipamamalas niya ang talento sa pagpe-perform on stage.
Sa ginanap na mediacon ng ABS-CBN para sa concert ng dalaga last April 20, naibahagi ng dalaga na tubong-Siargao ang ilan sa mga payo ng kanyang fellow housemates sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” celebrity edition.
Pagbabahagi ni Anji, marami siyang baong advice mula sa mga kapwa celebrity housemates paglabas ng Bahay ni Kuya na nagagamit niya ngayon sa outside world.
“Yung kay Ate Alyssa (Valdez, PBB Top 2 din) nu’ng nasa Bahay ni Kuya pa ‘to, sabi niya sa akin, ‘Make the bashers or negativity as a noise. Those noises, make them your stepping stone towards achieving your dreams.’
“So no matter how harsh or how hurtful na the words that they’re throwing at you, see it from a positive perspective where it will help you gain more confidence and to achieve your dreams more.
“Si Ate Sam (Bernardo) sabi niya, ‘Anji, magpapakatotoo ka lang sa sarili mo kasi in this industry mahirap din talaga. Kasi once you’re true and once you’re just being yourself, hindi ka mahihirapan and you don’t have to please people.’ Marami talaga akong natutunan sa kanilang lahat. I’m just so glad that they helped me,” aniya pa.
“Si kuya Albie (Casino) told me din always to choose my happiness and do whatever makes me happy na hindi nakakasakit ng ibang tao,” dagdag pa ng youngstar.
“From Kuya naman, kasi in this career and industry that I’m taking right now, mahirap din especially if you don’t love yourself. He told me na dapat mahalin mo talaga sarili mo.
“Kasi if you don’t love yourself, ikaw din ang mahihirapan. And it will be hard for you to give that love and care to others,” sabi pa ni Anji.
Siyempre, bitbit din lagi ng dalaga ang mga pangaral ng mga magulang, pati na ang advice sa kanya ng isang veteran singer na iniidolo niya.
“My dad told me to never give up on the things that you dream of and the things that you love. Sa second naman yung sa mom ko, is to always have perseverance, hard work, and determination.
“Kasi maaabot mo nang maaabot mo yung mga pangarap mo if you have this. I remember din sir Martin (Nievera) the Concert King sabi niya when we were like the newbies pa sa ASAP, sabi niya, ‘What are you doing here? Why are you performing?’
“Sabi ko, ‘Because I love this. I love singing and I love performing. I love to entertain people with my performance.’ And sabi niya, ‘That’s a good answer. Don’t do something that you feel that you don’t love. Kasi mapapagod ka.’
“Grabe yun! Tumatak din yun sa isip ko na you should really do something that you love. That was a very good career advice that I received from sir Martin,” pag-alala ni Anji.
https://bandera.inquirer.net/311337/wish-ni-pbb-10-top-2-anji-salvacion-sana-makasama-ko-silang-kumanta-sa-concert-ko-para-mas-maging-special
https://bandera.inquirer.net/302006/alyssa-anji-waging-top-2-sa-pbb-10-madam-inutz-brenda-mage-samantha-nagbabu-na