Baron hiwalay muna sa asawa habang ginagamot ang pagiging alcoholic; may hugot sa ‘soft porn’

Jamie Evangelista at Baron Geisler

UMAASA at patuloy na nananalangin si Baron Geisler na magiging maayos din ang pagsasama nila ng asawang si Jamie Evangelista.

Nagkalamat ang relasyon ng mag-asawa nang magkaroon sila ng pagtatalo kamakailan nang dahil sa pagbabalik niya sa dating bisyo — ang pag-inom muli ng alak.

Sa panayam namin kay Baron sa nakaraang event ng Vivamax, inamin niyang hindi maayos ang estado ng kanyang family life at tina-try niyang ayusin ang lahat ng problema.

Sabi ng magaling na aktor, pansamantala siyang naninirahan ngayon sa bahay ng kanyang “sponsor” sa Bulacan pero nagkakausap pa rin naman daw sila ng kanyang asawa.

“Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our ’12-step program,'” lahad ni Baron.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous na may 12 guidelines upang maiwasan at makawala sa mga bisyo.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,” ang positibo pang pananaw ng aktor.


Samantala, nag-post din ang mister ni Jamie sa Facebook ng mensahe para sa kanyang mga tagasuporta at socmed followers. Dito, inamin niyang gusto nang mag-file ng annulment si Jamie.

Nagbigay din ng message si Baron sa lahat ng mga nag-congratulate matapos makuha ang kanyang college diploma para sa kursong Theology.

“Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing.

“I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future,” aniya.

Kasunod nito, may pakiusap din siya sa Viva Films na siyang nagpo-produce ng matatapang at palabang mga sex movies tulad ng ilang ginawa ni Baron nitong mga nagdaang buwan.

“Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells.

“Invest on acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man,” pahayag ng aktor.

“I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!” dagdag pa niya.
https://bandera.inquirer.net/310554/baron-balik-sa-pagbibisyo-asawang-si-jamie-napuno-na-grabe-ang-pag-relapse-niya-lately

https://bandera.inquirer.net/311776/sa-wakas-baron-geisler-naka-graduate-na-sa-college-its-never-too-late

https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

Read more...