‘Rooftop’ nina Ryza, Marco, Ella at Epy perfect sa 2022 Asian Horror filmfest; Direk Yam tagumpay sa pananakot

MUKHANG hindi nagkamali ang Viva Films sa pagpili ng unang pelikulang isasalang nila for commercial release sa mga sinehan ngayong 2022.

In fairness, saktung-sakto ang pagpapalabas nila ng pelikulang “Rooftop” sa mga SM Cinemas nationwide dahil marami nang  nakaka-miss na makapanood ng suspense-horror sa mga sinehan.

Ito’y sa direksyon ni Yam Laranas at pinagbibidahan nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Andrew Muhlach, Marco Gallo, Epy Quizon at Allan Paule.

Palabas na ito simula ngayong araw exclusively in all SM cinemas. Bahagi rin ito ng Asian Horror Festival 2022.

Napanood na namin ang “Rooftop” sa isinagawang special celebrity screening kagabi na dinaluhan ng cast members. Hindi namin nakita si Direk Yam sa premiere night kaya hindi namin siya na-congratulate sa bago niyang movie.


Para sa amin, perfect choice ang “Rooftop” bilang first movie na ipinapabas sa mga sinehan this year dahil siguradong panonoorin ito ng mga magbabarkada na na-miss nang mag-watch sa mga cinema nang sama-sama.

In fairness, simula pa lang ng movie ay pasabog na ang mga eksena, lalo na nang mamatay ang karakter ni Epy bilang janitor sa pinapasukang school ng barkada nina Ryza at Marco.

Dito, muling pinatunayan ni Direk Yam na wala pa rin siyang kupas pagdating sa paggawa ng mga horror at suspense movies na talaga namang aabangan mo kung ano ang magiging ending.

Siyempre, hindi na namin ikukuwento ang kabuuan ng pelikula para walang spoiler pero siguradong mag-e-enjoy ang magbabarkada kapag napanood n’yo na ang “Rooftop.”

Samantala, aminado naman si Ryza na may takot din siyang napi-feel sa pagpapalabas ng comeback movie niya sa mga sinehan, “We feel the pressure. Alam naman natin na lahat ng tao takot lumabas especially sa sinehan kasi kulob siya. Kinakabahan ako.”

Sey naman ni Ella, “Iba pa rin ‘yung nakasanayan nilang nakahilata lang sa kama nila at manonood lang sila sa Vivamax,” she said.

“Iba pa rin ang experience na makakagala ka, kasama mo ang tropa mong manood. Horror pa. Kapag nasa cinema ka, mas nakakatakot ang horror film. Mas feel mo kasi surround pa ang sound.

Nakakakaba at nakaka-excite at the same time. Sana masuportahan ng lahat,” aniya pa.

Sey din ni Rhen, “May konting takot sa akin. Parang lahat ng tao, nag-convert sa digital at nasanay na doon. Ang magiging tanong diya, ‘Susuportahan pa rin ba ng mga tao ang pelikulang Pilipino at papanoorin ba nila sa sinehan even if many platforms, like Netflix, are around?’

“Maybe iniisip ng tao, ‘Bakit ko papanoorin sa sinehan kung mapapanood ko naman online?’ Remember, kahit ang ilaw, pinaghihirapan ng mga crew. Sana mas appreciate nila ang movie kapag pinanood nila sa big screen at ibang experience ulit. Suportahan nila,” dagdag ng sexy actres.

Dagdag naman ni Ella, “Nag-gain ako ng hope and confidence because ‘Rooftop’ is part of the Asian Horror Festival and that’s the entry of the Philippines. Meron kaming mga kasabay na entries from other countries. Celebration ito, kaya exclusive lang sa SM Cinemas.”

Ito naman ang naging pahayag ni Marco Gallo nang finally ay maipalalabas na ang “Rooftop”, “Not knowing when it was coming out, that was sad for all of us. When they told me ‘Rooptop’ will finally be shown, I think everybody was surprised. Good that it’s one of the first movies that’s coming out in cinemas. And it’s a horror movie.”

https://bandera.inquirer.net/311545/ryza-may-third-eye-ginugulo-ng-mga-multo-sumigaw-talaga-ko-pwede-ba-magpatulog-kayo-pagod-na-pagod-na-ko

https://bandera.inquirer.net/284411/jc-santos-umamin-sa-biggest-challenge-sa-showbiz-wish-na-magbukas-na-uli-ang-mga-sinehan

https://bandera.inquirer.net/300351/kim-diamonds-ang-panlaban-sa-mga-ligaw-na-elemento-shooting-ng-huwag-kang-lumabas-minulto

Read more...