Baron pwedeng maging pastor at professor ngayong graduate na ng Theology; magpapatayo rin ng sariling simbahan?

Baron Geisler

NGAYONG naka-graduate na sa college ang magaling na aktor na si Baron Geisler, mas marami na siyang pwedeng pasukang bagong career.

Nakachikahan namin ang award-winning actor sa grand summer mediacon ng Vivamax kahapon, April 26, at kinumusta nga namin ang tungkol sa bago niyang achievement — ang makapagtapos ng kolehiyo.

In fairness, fresh na fresh naman ang aura ni Baron nang humarap sa event ng Vivamax kung saan ibinandera ang mga susunod na pasabog ng number one streaming app ng Viva Entertainment.

Isa na nga riyan ang bagong movie ni Baron na may titulong “Pusoy” kung saan makakasama niya sina Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca at Angeli Khang.

Sa gitna nga ng kontrobersyang kinasasangkutan ng aktor matapos umaming bumabalik na naman ang kanyang pagiging alcoholic nagiging sanhi raw ng kanyang depresyon nitong mga nakaraang linggo ay tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya.

Nagsalita rin ang kanyang asawang si Jamie Evangelista tungkol dito at kinumpirmang balik-pagtoma nga ang aktor na labis niyang ikinababahala. Nangako naman daw sa kanya ang mister na muling magpapa-rehab.

Unang tanong namin sa celebrity daddy, ano ang feeling ngayong may college diploma na siya, “Sobrang saya, finally nakatapos din. Kasi 2019 ko pa sinimulan to (kursong AB in Theology) then nagka-pandemic na nga kaya nahinto.”

“But now, ito na nga may bachelors degree na ako. April 25 yung graduation namin. Umabot din ng almost four years ang pag-aaral ko via online at modular. Nagkataon nga lang na nagkaroon ng COVID breakout.


“Sabi ko nga, iba pala talaga yung feeling na maka-graduate ka lalo pa sa panahon ng pandemya. Tsaka pangarap talaga ito ng lahat ng artista na hindi nakapag-college dahil sa trabaho,” sabi pa ni Baron.

Ang kanyang bachelor’s degree na AB in Theology ay tinapos ng magaling na kontrabidang aktor sa All Nations College sa Antipolo City. Aniya, talagang wala sa edad ang pag-aaral dahil sa edad niyang 40 ay isa na siyang certified college graduate at habangbuhay daw siyang magiging proud sa kanyang sarili.

At bilang Theology graduate, pwede raw siyang maging professor o guidance counselor sa mga school. Bukod dito, “Puwede rin akong maging pastor and I could also build my own church.”

Nagbiro pa nga si Baron na puwede rin siyang magtayo ng sariling simbahan at gumawa ng sariling religious group. Natatawa pa niyang sabi, “Ako ang papalit kay Pastor Apollo Quiboloy.”

Ang tinutukoy niyang Pastor Quiboloy ay ang founder ng Kingdom of Jesus Christ.

https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

https://bandera.inquirer.net/309976/baron-geisler-viral-na-naman-sinong-kailangang-i-rehab

https://bandera.inquirer.net/311776/sa-wakas-baron-geisler-naka-graduate-na-sa-college-its-never-too-late

Read more...