Viral ‘pink photo’ ni Sarah G sa socmed peke; pero sino nga ba ang ibobotong presidente?

Sarah Geronimo

VIRAL na sa social media ang litrato ng isang female celebrity na nakasuot ng pink t-shirt at may logo ng Viva Artists Agency.

Kahapon, mainit itong pinag-uusapan ng mga netizens at ang nagkakaisang komento nila, ang babaeng nasa post ay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

Ang nakasulat sa caption ng nasabing photo ay, “Papunta pa lang tayo sa exciting part.”

Ito’y hango sa bentang-bentang meme ni Jodi Sta. Maria bilang si Dra. Jill Ilustre sa Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow” (Pinoy version ng Doctor Foster).

Makikita sa nasabing litrato ang kalahating mukha ng isang babae na may pink lipstick na ang hula nga ng lahat ay si Sarah Geronimo. Kaya ang paniwala ng lahat ay suportado na rin ng award-winning actress-singer ang kandidatura ni Vice-President Leni Robredo ngayong darating na eleksyon.

Kagabi, April 26, nag-issue ng official statement ang Viva Artist Agency na nangangalaga sa career ni Sarah G tungkol sa kumalat na pink photo sa socmed.


Anila, “edited” at “altered” ang viral photo ng misis ni Matteo pero wala namang nakalagay sa nasabing statement na idinedenay nilang Kakampink ang Box-Office Queen at OPM icon.

“A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency (VIVA).

“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account,” ang pahayag ng talent management ni Sarah G.

Sa ngayon, wala pang ineendorsong presidential at vice presidential candidate si Sarah kaya abangers pa rin ang kanyang mga Popsters kung sinu-sino ang iboboto niya sa May 9 elections.

https://bandera.inquirer.net/294886/wewearpink-celebs-nagparamdam-ng-suporta-kay-vp-leni-sa-pagtakbo-sa-2022

https://bandera.inquirer.net/309424/jake-ejercito-may-sorpresang-pink-birthday-celebration
https://bandera.inquirer.net/291183/anne-curtis-sarah-geronimo-magbabalik-pelikula-na

Read more...