Babala ni Ryza Cenon sa mga mahilig magbiro: Don’t do bad pranks, huwag mam-bully ng kapwa

Ryza Cenon at Baby Night

SINIGURO ng nagbabalik-showbiz na si Ryza Cenon na kahit horror ang bago niyang pelikulang “Rooftop” na idinirek ni Yam Laranas, marami pa ring matututunang aral ang mga manonood sa kuwento nito.

Pagkatapos ngang magbuntis at manganak sa panganay nila ni Direk Miguel Antonio Cruz na si Baby Night, balik-trabaho na si Ryza via “Rooftop” from Viva Films.

Ipalalabas ito exclusively sa mga SM Cinema bilang bahagi ng Asian Horrorfest kung saan lalahok din ang mga pelikula mula sa Vietnam at Thailand.

“Kaya nga nakaka-pressure. Kinakabahan ako kasi kami ang unang iri-release sa mga sinehan after a long time. We know people are still scared to go to cinemas, pero sana suportahan pa rin nila ang aming movie.

“Siyempre iba pa rin yung experience watching a movie on the big screen, lalo na kung horror film like this, mas nakaka-excite. After all, they go na naman to the malls na laging puno ng mga tao sa ngayon. So manood na kayo ng ‘Rooftop’ and we assure you it’s gonna be worth it,” pahayag ng celebrity mom.


Abangan kung paanong ang isang prank ay magdadala sa kanila sa panganib at bangungot na babago sa mga buhay nila.

Habang naka-summer break, magse-setup ng secret party sa rooftop ng kanilang campus ang barkada nina Ellie (Ryza Cenon), Lance (Marco Gumabao), Wave (Ella Cruz), Martin (Marco Gallo), Jessica (Rhen Escaño), at Chris (Andrew Muhlach). Ininvite rin nila dito si Paul (Epy Quizon), kapwa estudyante pero outsider sa kanilang grupo at part-time janitor sa school.

Dahil walang mapagdiskitahan, naisip ng grupo na i-prank si Paul, na pagmumulan pala ng isang aksidente. Matutulak nila si Paul mula sa rooftop at mamamatay ito.

Sa halip na umamin at managot sa nangyari, tatakasan ng magkakaibigan ang trahedya at pagtatakpan ang isa’t isa, mangangakong walang sinuman ang dapat makaalam sa nangyari sa rooftop.

Pero magiging mapaglaro ang pagkakataon dahil gagambalain at guguluhin sila ng kaluluwa ni Paul at pagbabayarin sa mga naging kasalanan. Maitama pa kaya nila ang pagkakamali? O huli na ang lahat?

Patuloy na kuwento ni Ryza, “First time ko to work with Direk Yam at sobrang galing niya. We had a meeting before shooting started and he explained everything to us, the story, our roles.

“Siya na ang writer and director at siya pa rin ang cinematographer, so he’s really in control. Pati buong creative staff niya, magagaling sila lahat, mabibilis kumilos,” aniya pa.

Kuwento pa ni Ryza about her role, “As Ellie, ako ‘yung eldest sa group namin. And also in real life, ako talaga ‘yung pinakamatanda sa cast. Ako lagi ang nagde-decision on what we’ll do.

“Boyish manamit si Ellie at ganon din ako sa totoong buhay, so na-feel ko talaga ang character ko. This is a barkada film about friendship, so manood kayo ng buong barkada nyo kasi tiyak na makaka-relate kayo.

“Ako rin ang pinakamaraming ginawa sa amin, pati sa pagtakbu-takbo. Nakakapagod, kasi sigaw ka ng sigaw. Maraming water akong ininom sa pagod ko. Tapos, may blood effects pa.

“I played a manananggal before in my first horror movie at akong nananakot, but now, ako ‘yung tinatakot. Mahirap kasi, we shot in an abandoned hospital at may nararamdaman talaga ako sa set kasi haunted daw talaga ‘yun,” natatawang chika ng aktres.

Rebelasyon pa niya, “Bata pa ako, may third eye na ako. Sa kuwarto ko, may sumisipa sa kama ko, may sumasabunot sa buhok ko. Kaya may nakikita talaga ako doon sa set at doon na lang ako humuhugot para sa scenes na tine-terrorize ako. Nakakatakot ‘yung set kasi parang cliff ‘yung rootfop at kapag nahulog ka, ikaw na ang magiging multo.”

At tungkol naman sa mensahe ng “Rooftop”, “Don’t do bad pranks. Don’t bully other people kasi hindi natin alam kung ano ang pinagdaraanan nila. At maging loyal ka sa friends mo.

“Don’t be selfish. As an Ate to my friends, I always try to be there for them. Inaabot kami ng madaling araw with me giving them advice. At walang laglagan, basta kung ano ‘yung napag-usapan namin, amin lang talaga ‘yun,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/311545/ryza-may-third-eye-ginugulo-ng-mga-multo-sumigaw-talaga-ko-pwede-ba-magpatulog-kayo-pagod-na-pagod-na-ko

https://bandera.inquirer.net/311700/rhen-escano-pahinga-muna-sa-paghuhubad-at-paggawa-ng-love-scene-mananakot-muna-ako-ngayon
https://bandera.inquirer.net/285049/rabiya-gagawa-ng-horror-movie-super-crush-si-kobe-paras

Read more...